Mabisang gamot o lunas sa Diabetes, High Blood, Cholesterol at Stress, alamin!





Sa panahon natin ngayon, kahit pa nga moderno na ang teknolohiya, marami nang mga bagay na mas nagpapadali ng ating mga buhay, hindi pa rin talaga maiiwasan ang stress at ang pagkakaroon ng ilang mga sakit tulad na lamang halimbawa ng Diabetes, High Blood, at Cholesterol. Ang diabetes o dyabetes para sa maraming mga Pilipino ay isang seryoso at talagang panghabang-buhay nang karamdaman.



Ito ay isang kondisyon sa ating katawan kung saan naaapektuhan ang paggamit nito ng mga pagkain na iyong kinakain bilang enerhiya o energy. Talaga namang maraming mga Pilipino ang natatakot sa sakit na ito dahil hindi biro ang gamutan o ang maintenance nito sa oras na madiskubre mong ikaw ay mayroong ganitong klaseng karamdaman.



Ang High blood pressure o hypertension naman ay isa ring kondisyon ng ating katawan kung saan maaaring magdulot ng sakit sa puso ang “long-term force” ng ating dugo sa ating artery walls. Mahaba rin ang gamutan dito at hindi rin biro ang presyo ng mga gamot.


Samantala, ang cholesterol naman ay inilalarawan bilang “waxy type of fat, or lipid” na dumadaloy sa ating katawan sa pamamagitan ng ating dugo. Ang stress naman ay isang emotional or physical tension.

Maaaring ito ay magmula sa mga nararamdaman mong kaba, galit at inis. Upang maiwasan ang ganitong klase ng mga karamdaman ay dapat uminom ng 8 baso ng tubig araw-araw.

Kailangan ding magpapayat kung sobra sa timbang at magbawas sa pagkain ng maaalat na pagkain. Huwag din kakalimutan na kumain ng 2-3 tasa ng gulay araw-araw.

Maglakad at mag-ehersisyo. Sikapin din na bawasan ang stress sa buhay – trabaho man yan o personal. Mahalaga ang pagtulog at pamamahinga kung kaya naman dapat ay sapat ito.



Ugaliin ding bantayan ang blood pressure at blood sugar. Tigilan at tuluyan nang iwasan ang sigarilyo, alak, at iba pang mga bisyo.





Post a Comment

0 Comments