Pagkain ng dalawang piraso ng saging sa loob ng isang araw, maaaring makaiwas sa doktor?





Madalas na nating naririnig na ang pagkain ng prutas at gulay ay makatutulong sa atin upang mas maging malusog at malakas tayo. Marahil ay narinig na rin ninyo ang mga katagang “An apple a day, keeps the doctor away!” Ngunit hindi lamang pala ang mansanas ang mabisang pang-iwas ospital o doktor dahil ang pagkain ng saging ay talagang makakatulong din. Ang pagkain ng dalawang piraso ng saging sa loob ng isang araw ay may magandang benepisyo sa ating pangangatawan.

DAGDAG LAKAS O ENERHIYA – Ang saging ay mayroong sucrose, fructose, at glucose, ito ay natural na mga sugar na maaaring magamit kaagad ng ating katawan bilang enerhiya. Mayroon din itong B-complex na gamit ng ating katawan para sa karagdagang lakas.



MAKAKATULONG SA CONSTIPATION – Ang saging ay mayroong insoluble fibers na nag-aabsorb ng tubig na siyang dumadaloy sa ating digestive system. Nakakatulong ito upang hindi maging matigas ang ating dumi at mas mabilis natin itong mailabas. Maaari din itong pang-iwas sa constipation.



DYSENTERY – Ang mga bacteria na Shigella and Campylobacter na nagdudulot ng dysentery ay kumakapit sa lining ng ating mga bituka na siyang nagiging dahilan ng severe blood diarrhea at ulcer. Makakatulong ang saging upang maalis ang mga bacteria na ito ay magamot ang dysentery.

HANGOVER – Alam ba ninyo na ang banana milkshake at ilang kutsaritang honey ay isang magandang lunas sa hangover? Magiging maayos ang takbo ng iyong sikmura at ang gatas naman sa inuming ito ay makakatulong para mare-hydrate ang iyong sistema at malunasan ang nararamdamang hangover.

PAGTIGIL SA PANINIGARILYO – Ang potassium, vitamins, at magnesium sa saging ay makatutulong upang mawala ang nicotine sa sistema ng isang taong naninigarilyo. Mas mababawasan ang pagnanais ng isang tao na manigarilyo at maaari ding tuluyan nang malunasan ang adiksyon.

NAKAKATULONG UPANG MAS MAGING MAGANDA ANG MOOD – Ang amino acids na kung tawagin ay tryptophan sa saging ay makatutulong sa produksyon ng serotonin na isang “feel-good neurotransmitter” kung kaya naman tiyak na magiging good mood ka pagkatapos mong kumain ng saging



NAKAKATULONG SA PAGGANA NG UTAK – Mataas sa potassium ang saging kung kaya naman nakakatulong ito sa brain function at sa pagiging alerto ng isang tao.

KIDNEY DISORDERS – Ang bato sa bato o kidney stones ay isa lamang sa mga pangkaraniwang sakit sa daluyan ng ating ihi. Makakatulong ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa potassium upang maiwasan ang kidney stones.

PAGBABAWAS NG TIMBANG – Kung nais mo namang magbawas ng iyong timbang, subukan mo ang kombinasyon ng saging at skim milk. Mayaman din sa fiber ang prutas na ito at ang pagkain ng fiber-rich foods ay sinasabing nakatutulong sa pagbabawas ng timbang.

NABABAWASAN ANG PANGANIB NG ATAKE SA PUSO AT STROKE – Ang potassium sa saging na kinakain natin ay mabuti sa ating katawan dahil sa pagpapanatili nito ng body fluids at pagbabalanse ng electrolytes sa ating mga cells. Nakakatulong ito upang makontrol ang blood pressure ng isang tao at nababawasan ang panganib ng atake sa puso at stroke.

MAGANDA SA DUGO – Ang saging ay mayroon ding Vitamin B6 na kailangan para sa pormasyon at pagpaparami ng strong hemoglobin at antibodies sa ating dugo

MALUSOG AT MATIBAY NA BUTO – Dahil mayaman sa potassium ng saging kung kaya naman mabisa rin ito upang makaiwas sa osteoporosis na nakukuha natin dahil sa kakulangan ng calcium sa ating buto.

MABUTI SA ATING MGA MATA/PANINGIN – Ang mga prutas tulad ng saging ay nakatutulong din upang maiwasan ang oracular degeneration na nagiging dahilan nang pagkawala ng paningin ng mga matatanda.

Tunay nga na napakarami na nating mga gamot o bitamina na maaaring mabili sa mga botika at iba pang bilihan ngunit huwag sana nating kalimutan na mas marami tayong mga sariwang prutas at gulay na maaaring kainin upang mapanatiling malusog at malakas ang ating pangangatawan.





Post a Comment

0 Comments