Nagtaka ang pamilyang ito kung saan nanggagaling ang masangsang na amoy ng kanilang rice cooker, laking gulat na lamang nila nang makita ang nasa loob nito!





Tayong mga Pilipino, talagang hindi tayo makakatiis nang walang kanin, hindi ba? Marami tayong masasarap na ulam at masasarap na pagkain sa Pilipinas. Kung kaya naman talagang hindi maaawat at mapipigilan ang sarap nang pagkain ng mga Pinoy.



Ngunit paano kaya kung mayroon tayong maamoy na kakaiba at hindi magandang amoy sa ating mga pinaglulutuan. Ano kaya ang ating gagawin?

Bibili na lamang ng bago o titingnang mabuti kung saan nagmumula ang masangsang na amoy? Ang sitwasyong ito ay naranasan din ng netizen na si BigD Reyes.



Ayon sa naging pahayag niya sa kaniyang post, mahilig daw ang kaniyang pamilya sa pagkain lalo na kapag may kanin. Kung kaya naman para sa mas madaling pagsasaing o pagluluto ng kanin ay talagang electric rice cooker ang kanilang gamit.

Hanggang sa unti-unti nilang napansin at naamoy ang tila masangsang na amoy sa tuwing sila ay magsasaing. Noong una ay hinayaan lamang nila ito.

Ngunit kalaunan ay talagang tinunton na nila kung nasaan nga ba nagmumula ang amoy na ito. Sinubukan nilang buksan ang loob ng kanilang rice cooker at nagulat sila nang makita ang nilalaman nito.
Ang nasa loob pala nito ay maraming mga patay na butiki na tila nasunog at natusta ng husto. Dito pala nagmumula ang amoy na kanilang madalas maamoy sa kanilang kusina sa tuwing sila ay nagsasaing.

Ayon din sa ilang mga komento ng mga netizens, buti na lamang daw at nakita nila ang pinagmumulan nito kaysa naman magkaroon pa ng mas malalang sunog o iba pang hindi magandang pangyayari dahil sa sunog na mga hayop sa loob ng kanilang rice cooker. Tunay nga na paalala lamang ito na dapat tayong mag-ingat sa lahat ng oras at maging mapanuri.

Sikapin nating maingatan ang ating mga gamit lalo na iyong mga nangangailangan ng kuryente upang gumana dahil maaari itong magdulot ng sunog o sakuna kapag hindi natin binigyang-pansin.







Post a Comment

0 Comments