81 taong gulang na CEO noon ng isang kompanya, nagtatrabaho na lamang bilang isang retail assistant sa isang mall!





Marahil ay marami na rin sa atin ang natanong kung ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan ng tagumpay. Para kasi sa maraming mga Pilipino, aminin man natin o hindi, ang tagumpay ay pagkakaroon ng isang marangyang buhay.



Mayroong maayos at malaking bahay, ilang mga sasakyan, at negosyo. Ngunit para naman sa iilan sa atin, sapat na sa kanila ang mayroong trabaho o maliit na negosyong kayang suportahan ang kanilang pamilya, maayos na tahanan at ilang mga tunay na kaibigan.

Talaga namang mayroon tayong iba-iba nating depinisyon ng pagiging isang matagumpay na indibidwal ngunit marami pa rin sa atin ang nagpapahalaga sa tunay na kaligayahan at pagiging kuntento. Kamakailan lamang ay marami ang nakapansin sa kwento ng isang netizen na ito na nakilala bilang si Palakorn Tesnam.



Habang siya ay tumitingin-tingin sa isang mall ay nakilala niya ang retail assistant na tinawag niyang si Uncle Pracha. Tinanong siya ng 81 taong gulang na si Uncle Pracha kung kailangan ba niya ng shopping cart.




Kalaunan ay naging palagay ang loob nila sa isa’t-isa at nagkwentuhan. Hindi akalain ng netizen na may mapupulot siyang aral sa buhay ni Uncle Pracha.



Noon ay CEO pala siya ng sarili niyang kompanya na mayroong halos 200 mga empleyado. Wala siyang gaanong kaibigan noon at nang malugi at magsara ang kaniyang kompanya ay nawala rin ang inakala niyang mga kaibigan niya.

Sa ngayon ay nagtatrabaho na lamang si Uncle Pracha bilang isang retail assistant sa isang mall mula 9 am hanggang 7 pm ngunit aminado siyang mas masaya siya ngayon sa kung anong mayroon siya. Nagkaroon siya ng mga tunay na kaibigan kumpara noong siya ay nagmamay-ari ng sarili niyang kompanya.

Masaya din siyang marinig ang bawat kwento ng kaniyang mga kostumer sa araw-araw.



“Don’t drink alc0hol, don’t smoke… Don’t be stressed, know how to let go. But most importantly – don’t be too serious. It’s not good for your health.” Payo pa ni Uncle Pracha.





Post a Comment

0 Comments