Buko Vendor, Nanalo ng Kotse sa 'Pera Usog' sa Lunch Out Loud'



Isa sa mga segment ng noontime show na "Lunch Out Loud" ang "Pera Usog" na kahit na sino ay maaaring sumali. Isang 55-anyos na buko vendor ang napaiyak at napalupasay sa tuwa nang magwagi siya ng brand new car sa naturang TV show. Siya si Tatay Winnefredo na mapalad na nakatanggap ng kotse sa hindi niya inaasahang pagkakataon.




Ayon sa ulat, wala umanong sariling cellphone si Tatay Winnefredo kaya labis siyang namr0blema kung paano siya noon makakasali sa nasabing TV show.

Sa kabutihang palad ay pinahiram siya ng kanyang kapitbahay ng cellphone at isa siya sa mga napiling contestant sa segment na "Pera Usog". At dito na nabago ang kanyang buhay nang mapanålunan niya ang bagong sasakyan na papremyo ng LOL.




"Gusto ko po sanang magka-sidecar, pag0d na pag0d na akong magtulak ng kariton," naluluhang sinabi ni Tatay Winnefredo.



Kaya naman, labis ang kanyang kasiyahan nang manalo siya ng kotse at cash prize. Halos hindi makapaniwala si Tatay Winnefredo sa magandang nangyari sa kanya. Hindi lamang sidecar ang napasakanya bagkus ay mas higit pa sa hiling niya.

Narito ang kabuuang video:



Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments