Tubig sa bundok, nagawan ng paraan ng kapitan na madala sa kaniyang mga kabarangay!





Napakahalaga ng tubig para sa atin, isa ito sa mga pangunahing pangangailangan natin upang mabuhay. Ngunit hanggang sa ngayon ay marami pa ring lugar sa Pilipinas ang hirap sa pagkakaroon ng malinis na tubig.



Tulad na lamang ng sitwasyon ng barangay ni Kap. Nick Ramos. Siya ang 57 taong gulang na kapitan ng San Roque sa Mabini, Bohol.



Wala ring sapat na supply ng tubig sa kanilang lugar kung kaya naman laking gulat niya nang makita niya ang lakas ng waterfalls sa Mt. Labawan noong Hulyo 2019.

“Umakyat kami sa bundok. May kumpanya na maglalagay ng tower para sukatin ang lakas ng hangin. Pag pasado ang lakas ng hangin, magtatayo sila ng windmills para sa kuryente.” Pahayag ni Kap. Nick.


“Nang pabalik na kami, nakita ko iyung mga busay. Ang lakas ng buhos ng tubig – at ang linis! Naisip ko, dahil nasa itaas, sa pamamagitan ng gravity lang ba, mapapaagos papunta sa barangay namin ang tubig. Nagbubutas lang kami sa lupa para gumawa ng balon. Inaabot ng sampung tubo ang lalim. Minsan wala namang tubig.” dagdag pa ni Kap.

Talaga namang sinikap niyang lumapit sa kinauukulan at sa ilang mga pulitiko upang magawan ng paraan at maibaba ang tubig para sa kaniyang mga taga-barangay. Nagsumikap sila ng husto hanggang mapagbigyan sila ng pondo para makapaglatag sila ng 8 kilometrong linya ng tubig pababa sa kanilang barangay.



728 na mga pamilya rin ang nakinabang sa water project niyang ito ngunit palagi silang nasisiraan ng mga “coupling” at hindi kinakaya ang matinding pressure ng mga gripo. Dahil dito ay nag-isip pa siya ng ibang paraan tulad na lamang halimbawa ng ideyang nakuha niya sa La Mesa Dam.

Lumapit siyang muli sa isang pulitiko na nagbigay rin naman ng kaunting tulong sa kaniya. Naging matagumpay ito at ngayon ay nagpaplano na silang magsimula ng kooperatiba na siyang mamamahala ng kanilang proyektong patubig.





Post a Comment

0 Comments