Ang pagbubuntis at panganganak ng isang babae ay hindi isang biro. Hindi ito madali dahil talagang matinding hirap at sakripisyo ang nararanasan ng mga kababaihan masiguro lamang na malusog at ligtas ang sanggol sa kanilang sinapupunan.
Matinding sakit din ang kanilang mararanasan sa panganganak o pagsisilang nila sa kanilang supling, normal man ito o kakailanganin ng operasyon. Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang nagulat nang mabalitaan nila ang kwento ng isang mag-asawa mula sa India.
Ang mag-asawa ay nakilala bilang sina Jinuven Rabari, 70-anyos, at ang kanyang mister na si Valjibhai Rabari, 75-anyos. Sa 45 taong pagsasama nila bilang mag-asawa ay hindi sila nabiyayaan ng anak kung kaya naman talagang nagdesisyon si Jinuven na sumailalim sa IVF o “InVitro Fertilization”.
Kung saan naging matagumpay din ito at nagkaroon sila ng isang anak na lalaki. Ayon sa kanilang doktor, ayaw talaga nilang payagan ang nais ng mag-asawa dahil delikado na ito sa edad ni Jinuven.
Isa na kasi siyang senior citizen kung kaya naman tiyak na mahihirapan siyang magbuntis at manganak. Ngunit hindi nagtagal at nakumbinsi rin sila ng mag-asawa na tulungan silang magkaroon ng pinapangarap nilang anak.
“We were a bit wary but Jinuven kept us motivated. She is a very positive woman,” Pahayag ng doktor.
Sa loob ng siyam na buwan ay naalagaan ni Jinuven ang kaniyang sarili at ang sanggol sa kaniyang sinapupunan. Sa panganganak naman ay kinailangan niyang sumailalim sa C-section dahil sa mataas ang kaniyang presyon sa dugo.
Nakasubaybay naman ang maraming mga doktor sa kaniyang operasyon, mayroong cardiologist, physician at iba pang mga doktor upang masiguro ang kaniyang kaligtasan. Masayang masaya ang mag-asawa dahil sa wakas ay nabiyayaan na rin sila ng anak pagkalipas ng maraming taon.
Talaga namang isang milagro ang pangyayaring ito sa mag-asawa. Kung kaya naman hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa at pagtitiwala sa Diyos sa mga bagay na ating hinihiling at pinagdarasal.
0 Comments