Dong Abay, Inalmahan Ang Paggamit ng Kanyang Kanta Bilang Jinggle ng UniTeam



Si Westdon Martin Abay o mas kilala bilang Dong Abay, ay isang Pinoy rock musician at makata na sumikat sa paggawa ng mga hit na kanta tulad ng Banal na Aso, Santong Kabayo at ESEM. Ipinanganak siya noong Abril 5, 1971. Nakahanap at nagtatag siya ng mga banda tulad ng Yano, Pan, at Dongabay. Siya rin ang nagtatag ng Dong Abay Music Organization o D.A.M.O.




Sa isang pahayag na ipinost sa Twitter, sinabi ng singer-composer na isinulat niya ang kantang "Kumusta Na", na tumatalakay sa EDSA people power revolution, para sa lahat ng Pilipino. Binatikos ni Dong Abay, ang dating frontman ng sikat na 90s' band na Yano, ang paggamit umano ng kanyang kanta bilang campaign jingle ng BBM-Sara political tandem.

"Ang kantang "Kumusta Na" na tungkol sa "EDSA Pipol Power" ay para sa sambayanang Pilipino," saad ni Dong. Aniya, kahit siya ay "anti-Aquino," hindi niya isinulat ang kanta para sa mga tinawag niyang "Marcos loyalists."



"Hindi ko ito sinulat para kay Marcos loyalists kahit ako ay anti-Aquino. Over my dead body," dagdag pa nito.

Sinabi rin ni Dong na hindi siya nagbibigay ng pahintulot para sa kanyang kanta na gamitin bilang jingle ng political tandem nina dating Sen Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte na tinatawag na UniTeam.

Gayunpaman, ang singer-composer, sa halip na gumamit ng "UniTeam," ginamit niya ang terminong madalas na tinutukoy ng mga kalaban sa pulitika sa political team.



Para bang nagpapahiwatig ng kanyang matinding pagtutol sa diumano'y paggamit ng kanyang kanta, tinapos niya ang kanyang pahayag sa isang expletive.

"At hindi ko pinahihintulutan gamitin ang kanta yan bilang jingle ng BBM-Sara Unithieves. PÃ¥kyu," sulat ni Dong sa kanyang tweet. Kasalukuya namang hindi pa nagbibigay ng statement ang UniTeam political tandem bilang tugon sa tweet ni Dong.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments