40-Anyos na Ina, May 38 na Anak; Tinaguriang "Most Fertile Woman"



Marami sa mga kababaihan ang gustong magkaroon ng anak. May mga babae din na kahit gustuhing magkaanak ay wala naman silang kakayahan dahil kung minsan ay may pr0blema sa kanilang reproductive system. Isang babae ang tinagurian "most fertile woman" sapagkat naitala na nasa 38 ang anak ni Marian Nabatanzi.




Si Marian ay nakapag-asawa sa edad na 12-anyos at sila ay kinasal ng kanyang asawa, pagkalipas ng isang taon ay biniyayaan kaagad sila ng kambal na anak. Pagkatapos pa nito ay nasundan pa ng apat na kambal, limang triplets at limang quadruplets. Mukhang di kapani-paniwala pero naging malaking ebidensya ito na posible palang maganap sa tunay na buhay.

Ngayon ay nasa 40 anyos na si Marian at sa kasamaang palad ay namayapa na ang kanyang asawa, apat na taon na ang nakalilipas. Mag-isang binubuhay ni Marian ang 38 na anak kung kaya't todo kayod ito para matugunan ang kanilang pangangailangan dahil ang karamihan dito ay nag-aaral na. Sa dami ng kanyang anak, kinailangan niyang magtrabaho at mayroon siyang 3 trabaho sa ngayon.





Ipinaliwanag naman ng doktor kung bakit ganito manganak si Marian, ayon sa kanya malaki daw ang obaryo nito kaya malaki ang tyansang mabuntis kumpara sa normal na obary0 ng isang babae. Hindi rin daw maka rekomenda ng birth control ang doktor dahil posibleng magdulot ito ng malalang komplikasyon sa kanya. Nakagamit na umano si Marian ng IUD, isang uri ng birth control ng siya ay manganak sa ika -18 na sanggol, subalit nagdala ito ng malalang sitwasyon sa kanya dahil na comat0se ito.

Sa dami ng anak ni Marian, di niya inisip na mga pabigat ang mga ito dahil lubusan siyang nagpapasalamat sa Diyos dahil ito ay pinagkaloob sa kanya. Aalagaan daw niya ito sa abot ng kanyang makakaya at naniniwalang gagabayan sya ng Maykapal.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments