Gloria Sevilla, Pumanåw na sa Edad sa Edad na 90



Si Gloria Sevillaay isang artista sa pelikulang Pilipino. Itinanghal si Sevilla bilang "Queen of Visayan Movies" para sa kanyang screen portrayal legacy sa mga pelikulang gawa sa Bisaya sa Pilipinas noong 1950s at 1960s. Pinarangalan siya ng Gawad Urian Awards ng "Lifetime Achievement award" habang pinarangalan siya ng The EDDYS ng "Icon Award", kapwa para sa kanyang mga kontribusyon sa Philippine cinema.




Natanggap ni Sevilla ang kanyang unang FAMAS Award na Best Supporting Actress sa pelikulang Madugong Paghihiganti noong 1962. Nagwagi siya ng FAMAS Award Best Actress sa pelikulang - Badlis Sa Kinabuhi noong 1969 at Gimingaw Ako noong 1973.

Sa kabuuan ng kanyang karera, si Sevilla ay nagbida sa ilang mga iconic na pelikula tulad ng Dyesebel (1978), Guhit Ng Palad (1988), Matud Nila (1991), The Flor Contemplacion Story (1995), Kay Tagal Kang Hinintay (2002), Lapu-lapu (2002), Bida si Mister, Bida si Misis (2002), at El Presidente (2012).




Nanatili ring aktibo si Sevilla sa telebisyon sa Pilipinas. Noong dekada 1970, pinangungunahan niya ang komedya na Ang Biyenan kong Mangkukulåm kasama sina Pancho Magalona at Chicháy. Siya rin ang nag-produce at nagbida sa sitcom, ang Mommy Ko si Mayor na may mga anak, sina Mat, Dandin Lilibeth at Suzette kasama ang kapwa Cebuana na si Flora Gasser. Nagbigay din ng suporta si Sevilla sa mga dramang Be Careful With My Heart.

Labis naman ang pagdadalåmhati ngayon ang mundo ng entertainment at malalapit na kaanak sa pagpanåw ng veteran TV personality na si Gloria Sevilla.Sa social media post ng apo ng namayapang aktres na si Krista Ranillo-Lim, kinompirma nito ang malungkot na balita.

"I can't sleep. I miss you. I'm so thankful we were able to spend time ever since you moved here to the US. It's still not enough time. I wish we had more time. I wish we had more memories together. It's been 10 days since we last saw each other and my heart is breaking knowing I won't see you again," ani ni Krista.

Sa post na ibinahagi ni Krista na naka-base na rin ngayon sa America, isa rin sa pinanghihinayangan nito ang naudlot na pagbisita sana nila sa kanilang lola sa darating na July.

"You were going to visit for my birthday. You promised to be at my church wedding in July. I love you Grandma. So much. Nino loves you, the kids adore you. I'm thankful to the Lord that the kids got to know their great Grandma. Nate will miss dancing for you. He told me tonight he wishes he danced more for you because it made you so happy. I love you," pahayag ni Krista sa post.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments