Naakusahan at nakulong noon si Franz Angelo Dizon na dating nabalita pa habang sinesermunan ni dating NCRPO Chief Guillermo Eleazar. Nang makalaya ay napag-isipan niyang magpulis. Tinupad niya ang pangarap na maging pulis at nagkaroon na rin siya ng negosyo kung saan ang mga nakakatulong niya ay ang mga dati niyang kakosa o kasama sa detention facility.



Ngunit bago naging pulis, isang matinding dagok sa buhay ang nangyari sa kaniya noong 2018. Inakusahan siya at mga kaibigan niya ng panghahalay at pangmomolestiya sa dalawang menor de edad na babae.

Nakikipag-inumån noon si Dizon sa mga kaibigan at dalawang men0r de edad na babae, na naging dahilan para makasuhån sila at madetine habang dinidinig ang kas0.

"Hindi ko talaga ginawa, napagbitangan lang ako," sabi ni Dizon. "Nang mga panahon na 'yon ang naisip ko talaga, 'wala na katapusan na ng lahat.'"



Sa kulungån, naranasan niya ang hiråp. "Sobrang crowded. Matutulog kayo nang dikit-dikit, skin to skin kayo. Yung iba nakatayo na, natutulog nang nakatayo," kuwento niya.

Dahil sa walang matibay na ebidensiya laban kay Dizon, nakalaya siya matapos madetine ng isang buwan. Pero malaki ang naging epekto kay Dizon nang nangyaring pagkakabilanggo niya.

"Bumaba yung kompiyansa ko sa sarili. Lumiit yung tingin ko sa sarili ko, 'di ako makalabas, hindi ako makatingin sa mga tao, parang nahihiya ako," paglalahad niya.



Ang naturang pagsub0k ang naging daan din para makapagsimula si Dizon. Dalawang buwan matapos ang insidënte, nag-apply siyang maging pulis.

"Ginawa kong stepping stone 'yon, dala-dala ko sa isip ko sa puso ko na kailangan kong gawin ito, kailangan kong ibawi ang sarili ko," paliwanag niya.

At pagkaraan ng isang taong training, naging pulis na si Dizon. "Naging proud na rin ako sa sarili ko. Proud ako sa nangyari sa akin. Ito ako ngayon, nagsisilbi sa bayan. Despite sa past ko na may nangyaring hindi maganda, bumangon ako sa pagkakadapa ko," pahayag niya.

Ibinahagi rin ni Dizon ang kaniyang naging kuwento sa social media. Pero hindi maiiwasan na may ilang netizen na manghuhusga sa kaniya at kumukuwestiyon kung paano siya naging pulis sa kabila ng kinaharap niyang kaso.



Paglilinaw ni Dizon, hindi naman siya c0nvicted o nahatulan ng k0rte sa kasalanang ibinïntang laban sa kaniya.

Bukod sa pagiging pulis, nagtayo rin ni Dizon ng negosyong restaurant at kinuha niyang tauhan ang ilan sa mga nakasama niya sa "loob."

"Yung opportunity sa kanila parang sobrang limited, so naisip ko nakita ko sila, 'Gusto niyo bang magtrabaho?' Nakita ko rin sa kanila na gusto nilang magbagong buhay," ayon kay Dizon.

Mensahe niya sa iba na may pinagdaanang pagsubok sa buhay, "Huwag kayong mawawala ng pag-asa pagka may mga problema, kaya natin. Wala namang binibigay si Lord na hindi natin kakayanin. Pagsubok lang 'yan."

Source: Noypi Ako