Sanggol, Iniwan sa Tabi ng Kulungan ng Manok; Dahilan ng Ina, Kumurot sa Puso ng Mga Netizens!



Gumulantang ngayon sa social media ang post ng isang netizen na si Meralyn Sagayno Vega mula Ginatilan, Cebu tungkol sa tumambad sa kanya na batang sanggol sa labas mismo ng pinto ng kanilang bahay, Martes ng madaling araw. Nakabalot lamang ang walang kamuwang-muwang na bata sa lampin at nakasilid sa isang sira-sirang karton.




"Inilagay talaga sa bungad pagkalabas ng pinto, isinilid lang sa karton. Isinama sa kulungan ng mga manok. Sobrang nakakawa,"

"Natabunan pa ang mukha niya sa telang pinambalot kaya sobra ang kanyang pag-iyak. At nung tinanggal na ng bunso namin yung nakatabon sa mukha niya, ngumiti ang bata at sobra ang pawis niya," salaysay ni Meralyn.

Nang kunin na sana nila ang sanggol, may nakita silang liham na iniwan umano ng Ina ng bata na humiling na sana'y buhayin ang anak nito.



Laman pa ng liham, na gusto lang ng Ina na mailigtas ang kanyang anak dahil tatlong araw na siyang walang kain at tanging tubig nalang ang iniinom nito upang malamanan ang tiyan at mabuhay

"Maam/Sir, nagmamakaawa ako, buhayin niyo ang anak ko," bungad na nakasulat sa liham.

Biktima rin umano siya ng pananak1t at pambubugb0g ng taong nakabuntis sa kanya at iniwan siya nong panahon ng kapanganakan niya na.


Humingi din ito ng kapatawaran sa kanyang Anak at nagawa niya itong iwan. Tanging hiling niya na kahit ang anak nalang niya ang mabuhay dahil hindi niya na kaya ang sobrang panghihina ng kanyang katawan.

Dagdag pa ni Meralyn, nasa maayos na pangangalaga na ng kanilang Rural Health Center ang sanggol at patuloy na tinitrace ng awtoridad ang kinaroroonan ng Ina nito.



Narito ang iniwang liham ng Ina:

Maam/Sir, nagmamakaawa ako, buhayin niyo ang anak ko.

Maam, hiling ko na sana'y mabinyagan siya bago paman ako mawala dito sa mundo.

Hindi po ako taga rito. Dinala lang po ako ng naka-buntis sa akin, pero nong walong buwan na ang tiyan ko, iniwan din niya ako.

Binubugb0g at sinasåktan din niya ako. Hindi din pa ako nakakabayad sa aking panganganak.

Humihiling ako sa inyo Mam na mairehistro ang anak ko at mapa-immunize.

Tatlong araw na akong hindi kumakain, umiinom na lang ako ng tubig.

Baby, patawarin mo ako. Gusto ko Lang na mabuhay ka at di ka mamat@y. Pagod na pagod na ang katawan ko Baby. Hindi ko na kaya.

Mam, pangalanan mo na lang po yang anak ko ng Kathlen. Ipinanganak ko siya noong Nobyembre 3, 2021 sa alas 3:30. Maraming salamat."

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments