Estudyanteng Nagtitinda ng Meryenda, Nakapagtapos ng Kolehiyo BIlang Cum Laude!



Marami ang humanga sa determinasyon ng 21-anyos na estudyante matapos siya makapagtapos ng olehiyo bilang Cum Laude. Siya si Jogie Macaraeg Papillera na nagmula sa bayan ng Laguna. Nagsumikap siyang makatapos sa pag-aaral sa pamamagitan ng paglalako ng meryenda tulad ng turon, carioca at Lumpia.

Natapos niya ang kanyang kurso na Bachelor of Science in Accountancy. Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Jogie ang naranasan niyang hirap noong nagaaral pa lamang siya.




Kwento ni Jogie, noong bata pa siya ay naranasan ng kanyang pamilya ang walang pera at makain hanggang umabot na sa puntong sinabi niya sa Panginoon na, "Lord, kahit tatlong butil lang po ng kanin."

Dahil dito ay sa murang edad na sampu ay nagsimula na siyang tumulong sa kanyang magulang na magtinda ng meryenda sa mga tao.

Simula noong elementary, high school at hanggang mag-kolehiyo si Jogie ay walang arteng ginawa niya ang paglalako upang may pang tustos sa kanyang pagaaral.

Pagbabahagi ni Jogie, mula sa kanyang dalang dalawang basket, isang litrong suka at pasan ang kanyang backpack ay naglilibot siya para maglalako ng meryenda.




Kahit umano nangangatog na ang kanyang mga braso at paa sa bigta ng kanyang dala ay hindi niya ito ininda sa kagustuhang makabenta.

Kwento pa ni Jogie, umabot na din sa punto na pinagtatawanan, kinukutya at kinakantyawan siya ng ibang estudyante.

Ganun pa man ay hindi niya ito pinansin at taas noo pa rin si Jogie na ipagpatuloy ang marangal na hanapbuhay na kanyang ginagawa basta ang importante umano ay makatulong siya sa kanyang pamilya at makapagtapos siya ng pagaaral.

Ayon pa kay Jogie, pangarap lang umano niyang makapagtapos sa pagaaral, pero higit pa dito ang ipinagkaloob sa kanya dahil nakapagtapos pa ito bilang isang Cum Laude dahil sa kanyang sipag, tiyaga at determinasyon sa sarili.

"Dati, naglalako lang ako dito sa Canlubang ng meryenda, tirik ang araw, sakit ng lalamunan kakasigaw, ang bigat ng dala, tapos kahaggard pa. Pero ngayon, graduate na sa kursong Bachelor of Science in Accountancy, CUM LAUDE pa." ayon kay Jogie.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments