Isang Magsasaka sa Benguet, Ipinagbebenta ang Isang Truck na Carrots sa Halagang P10 Kada Kilo!



Viral ngayon ang larawan ng isang magsasaka sa La Trinidad, Benguet na nagbebenta ng isang truck ng carrots sa halagang P10 kada kilo. Ito ay matapos na ibahagi ng concerned netizen na si Leonora Javonillo. Ayon kay Leonora, dalawang araw nang nasa bagsakan ng gulay ang magsasaka mula Kibungan pero wala aniyang bumibili kaya binalak na lang itong ibigay ng magsasaka sa kaniya.




"Naawa ako, sabi ko i-post na lang natin [online] para kahit papaano eh may panggasolina man lang sila," sabi ni Javonilla, isang guro.

Umani ng maraming komento ang kaniyang Facebook post at laking tuwa niya dahil nabili naman ang halos isang toneladang carrots.




Ayon sa League of Associations at the La Trinidad Vegetable Trading Areas, matumal ang bilihan ng carrots. Isa sa matagal nang problema ng mga magsasaka sa Benguet ang smuggled na gulay na lubhang nakaaapekto sa kanilang mga produkto.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments