Ulilang Lubos, Nakapagtapos sa Kolehiyo Bilang Cum Laude at Top 1 sa Engineering Board Exam!



Punong-puno ng determinasyon ang ulilang lubos na si Remington Salaya na tubong President Roxas, Capiz. Nang namayƄpa ang mga magulang ni Remington noong siya ay nasa kolehiyo, nagtulungan sila ng kanyang ate na mag-alaga sa apat pa nilang kapatid. Ngunit dumating man si Remington sa mga pagsubok ay hindi ito naging hadlang para sa pagtupad niya ng kanyang mga pangarap.



Sa katunayan, nagtapos si Remington sa kolehiyo bilang Cum Laude sa kurso niyang Bachelor of Science in Chemical Engineering at nangunguna pa sa board exam.

Nakatulong sa pag-aaral ni Remington ang mga scholarships na nakuha niya at ito rin ang naging dahilan kung paano siya nakatapos sa kolehiyo. Aminado si Remington noon na naisipan niyang sumuko at huminto na lamang sa pag-aaral lalo na nang bawian ng buhƄy ang kanyang ama na noon ay nasa 4th year college siya.





"The pressure was too much because I had to help taking care of my siblings who are still in school. At the same time, I needed to comply with all university requirements so I could graduate on time."



Ngunit naisip ni Remington na walang mangyayari kung susuko na lamang siya. Pinili niya pa ring tapusin ang pag-aaral at nagtapos noong Oktubre 2014 habang nag topnotcher siya sa May 2015 Chemical Engineer Licensure Examination.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments