Tindero ng suka dati at salat sa buhay, napakayaman na ngayon!





Likas na talaga sa tao ang mangarap na maging mayaman. Kahit anong trabaho o negosyo ay susubukan basta umangat sa buhay. Ngayon ay isa ng matagumpay na Civil Engineer at negosyante ang dati’y naglalako lamang gamit ang kariton ng galong galon na suka sa halos buong bayan ng Pampanga.



Ito ay napakagandang halimbawa ng dedikasyon, pagsusumikap at diskarte sa buhay. Ang kwento ng proud na anak sa kanyang ama na di sumuko kahit naging mahirap ang kanilang buhay noon. Ayon sa Facebook post na ibinahagi ni Marc Randall Sicat, lubos niyang ipinagmamalaki ang tagumpay ng ama sa trabaho nito maging sa mga negosyo.



Sa pagkukwento ni Marc, talagang mahirap lamang ang pamilyang pinagmulan ng ama niya. Nakasanayan na diumano ng ama mula elementarya hanggang kolehiyo, ang maglako ng tinitindang suka tulak-tulak ang gamit niyang kariton. Di naging hadlang sa kanyang ama ang kahirapan upang ipagpatuloy ang pag-aaral nito. Sa halip, ang paghahanapbuhay ay isinabay niya upang may maipangtustos sa kanyang pag-aaral at para makatulong sa magulang at mga kapatid.

“Ipinagsasabay niya ang kanyang pag-aaral habang nagtutulak ng kariton sa buong San Fernando, Angeles, at Mexico. Galon galon na Suka ang kanyang tinitinda at kilo kilometro ang binabaybay niya araw-araw para maitinda ang lahat ng ito,” Si Marc ay aminadong hindi naging madali ang pamumuhay nila noon dahil bukod sa palipat lipat sila ng bahay ay naranasan din nilang mangupahan ng kanilang matitirhan sa ibabaw ng creek. Sa unang naging trabaho ng ama bilang inhinyero sa Maynila ay di rin ito nakaligtas sa pangmamaliit mula sa mga katrabaho dahil sa galing siya ng probinsya. Sa kabila ng lahat ng ito ay di sumuko kailanman ang ama sa lahat ng naging pagsubok nila sa buhay. Kaya naman tinamasa ng buong pamilya nila ang kaginhawahan sa buhay at pagtupad sa kanilang mga pangarap. Narito ang ibinahaging post ni Marc;



“Dati nilalakbay niya buong pampanga para magtrabaho at magtulak ng kariton pero ngayon nakakapagbakasyon na siya sa ibang bansa. Dati kariton lang tinutulak niya ngayon kotse na ang kanyang minamaneho.” Ito ang nakakainspire na kwento ni Marc sa kanyang post; Gusto ko lang sana i-share ang success story ng dad ko since Birthday niya ngayon. From selling vinegar to constructing high rise buildings From travelling the streets of Pampanga to travelling around the world From nothing to something From a house above the creek to a home of worthy of filming From pushing a kariton to driving a car Sana po basahin niyo kahit mahaba. Maiinspire po kayo ng sobra! Sa sobrang amazing pwedeng pwede sa MMK at KMJS Story:

Ang aking papa ay pinanganak sa isang MAHIRAP na pamilya sa isang barrio sa Pampanga. Pang-apat siya sa kanilang walong magkakapatid at ang kanyang mga magulang ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Subalit hindi naging hadlang ito para matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay. Bata pa lamang siya ay natuto na siya kung paano magnegosyo at magtinda. Ang pinaka naging negosyo niya habang siya ay nasa elementarya pa lamang hanggang sa makapagtapos ng kolehiyo ay ang pagtitinda ng SUKA. Ipinagsasabay niya ang kanyang pag-aaral habang nagtutulak ng kariton sa buong San Fernando, Angeles, at Mexico. Galon galon na Suka ang kanyang tinitinda at kilo kilometro ang binabaybay niya araw-araw para maitinda ang lahat ng ito. Ang nalilikom niyang pera ay kanyang pinang-papaaral sa kanyang sarili at binibigay niya sa kanyang mga magulang at mga kapatid.



Noong kolehiyo siya ay nag-enroll ng Civil Engineering sa Holy Angel University. 7 years niya ito tinapos dahil nga siya ay nagtitinda ng suka. Noong mga panahong ito siya rin ay nagdududa kung ipagpapatuloy niya pa ba ang pag-aaral sapagkat sa kanyang isip ay mas malaki pa ang kanyang kinikita sa pagtitinda ng suka. Pero mas pinili niyang ipag-patuloy ang pag-aaral dahil mas nais niyang mas maging matagumpay. Pagkagraduate niya siya ay nagtake ng Board Exam at kanya itong napasa. Isa siya sa mga naunang LICENSED Civil Engineer sa kanilang barrio. After 2 years niyang mamasukan bilang isang Engineer siya agad ay nagtayo ng kanyang sariling CONSTRUCTION COMPANY. Sa loob ng 2 years bago niya itayo ang kanyang kumpanya siya ay pumunta sa Manila at siya ay nalayo sa kanyang pamilya. Hindi naging madali ito sapagkat minamaliit siya dahil siya ay graduate ng probinsya at syempre malayo nga sa pamilya. Ngunit dahil sabak na siya sa HIRAP ng buhay bata palang kaya na kaya niyang gawin ito kahit na wala siyang puhunan at mga gamit. Maraming nagtiwala sa kanyang mga clients at lalampas na ng 1000 projects ang kanyang natapos sa araw na ito. May mga buildings, bahay ng artista, mga malls,



One of our projects featured by Presello | Marc Randall Sicat Built by my Father | Marc Randall Sicat At mga sikat na restaurant gaya ng Tokyo tokyo at Burger King, mga sikat ng Hospital at eskwelahan at marami pang iba. Noong bago pa lang sila mag-asawa ni mama nakita ko ang mga pictures namin dati. Nangungupahan lang sila dati. Tapos lumipat sila ng bahay at iyong bahay na yun ay itinayo sa ibabaw ng SAPA o creek. Kung-makikita niyo wala man lang pintura yung pader na pinost ko sa mga pictures. Pero ngayon yung new house na ginawa din ng dad ko ay pinagshooshootingan pa. Our House | Marc Randall Sicat Dati nilalakbay niya buong pampanga para magtrabaho at magtulak ng kariton pero ngayon nakakapagbakasyon na siya sa ibang bansa. Dati kariton lang tinutulak niya ngayon kotse na ang kanyang minamaneho. Pero syempre ang lahat ng ito ay hindi mangyayari kung hindi TINANGGAP ng papa ko si HESUS bilang kanyang Diyos, Hari, at Tagapagligtas. “For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.” John 3:16 NIV “If you declare with your mouth, “Jesus is Lord,” and believe in your heart that God raised him from the ****, you will be saved.” Romans 10:9 NIV Kaya TO GOD BE THE GLORY! Happy Birthday din sayo Papa! I love you!

*** Source: Marc Randall Sicat





Post a Comment

0 Comments