Pinay Nanny, Proud sa Anak na Nagtapos sa Harvard University: "Para akong higit pang tumama sa lotto"



"Para akong higit pang tumama sa lotto," ani ni Jojit de Leon nang makapagtapos ang anak niya ng kolehiyo sa Harvard University sa Massachusetts, U.S.A. Nagtapos si Maria, anak ni Jojit, ng Bachelor of Arts in Molecular and Cellular Biology noong 2020. Naging malaking tulong sa inang si Jojit ang full scholarship ni Maria. Nagtatrabaho si Jojit bilang waitress ng 11hours sa weekdays at nanny sa weekends.



"Sa ating mga magulang, ang pinakagusto natin sa ating mga anak ay makatapos ng pag-aaral. Kasi ako hindi ko magampanan matapos ang pag-aaral. Gusto kong maging nurse. Tignan mo naman ngayon, si Maria is living my dream," ani Jojit.

Sabi naman ni Maria, ramdam na niya ang pag-graduate ngayong nakaakyat na siya ng entablado.



"It's been two years since I actually graduated, but we can only really celebrate now," aniya. "Before, two years ago, I didn’t really feel like [I had] a graduation [ceremony]. I graduated on YouTube in my pajamas. So, I feel like this is the closure, the closure that everyone really needed."




Ibinahagi naman ng dalaga ang kanyang success para makapasok at makapagtapos sa Harvard. "Just always try," aniya. "I think we talk ourselves out a lot of opportunities. We say, ‘We’re not good enough. We can’t achieve this because of that… Honestly, I know there are hardships that we can’t overcome. But if we keep trying and always fighting for what you want in life, something fruitful will always come out of it."

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments