Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil sa hindi pagpapahintulot sakanya ng isang car dealership na pumasok sa showroom nito. Nakabili siya ng kotse sa katabing dealership at binayaran niya ito ng cash.
Malugod na binahagi ni Lolo Manuel ang kanyang simpleng buhay ng mag isa. Wala siyang pamilya at kung manamit ay simpleng simple lamang kaya ito’y naging dahilan upang di siya payagang makapasok ng showroom ng unang pinuntahang dealership.
Humanga ang mga netizen sa viral post patungkol sa kwento ni lolo Manuel.
Marami ang napapaisip kung bakit napakasimple ng kasuotan ni lolo Manuel noong siya’y bibili ng kotse sa Lanang, Davao City.
Napag-alaman ng KAMI, isang website, na isa sa nausisa ng GMA Regional TV na retiradong associate professor pala ang 80 taong si lolo Manuel.
Nang makausap ng nasabing programa si Love Dorego, isang group retail consultant at ang nagpost ng viral na kwento ni lolo Manuel,ay napag alaman nilang mag isa lamang sa buhay ang matanda.
Dahil sa kanyang kasuotan ay di siya agad na paniniwalaang bibili ng isang kotse at cash pa niya itong babayaran.
Kwento ni Lolo Manuel ay dapat sana ang kanyang bibilhin noong una ay motorsiklo lamang. Ngunit para sa kanyang edad ay lubhang delikado ito.
Ang kadahilanan din sa pagbili ni Lolo Manuel ng sasakyan ay upang mapabilis ang pagpunta niya sa simbahan
“I want to please God, not myself, not a woman, not the world,” sabi ni Lolo Manuel na nagpahanga ng marami.
Napakadalisay ng puso ni Manuel Almere. Ang mapapurihan ang Diyos ng higit kaysa kaninuman.Talagang nakakainspire. Siya man ay nag iisa sa buhay, di iyon dahilan upang maging malungkot at huwag gumawa ng mga gusto mo pang gawin sa buhay.
Source: Kami
0 Comments