Watch! Mag-Ina sa Aklan, Nakipaglaban sa Kawatang Pumasok sa Kanilang Bahay



Nahuli-cam ang isang magnanakaw na nangloob sa bahay ng isang negosyante sa Nabas, Aklan. Kakasuhan ng robbery at qualified trespass to dwelling ang suspek na pumasok sa bahay ng negosyante sa Brgy. Nagustan, Nabas, Aklan. Nakilala ang suspek na si Ian Sinag, 19 anyos ng Sitio Sulong Brgy. Gibon, Nabas, Aklan.




Kung matatandaan, pumasok ang suspek sa bahay ng isang negosyante sa pamamagitan nga pag-akyat sa bintana sa second floor at bumaba ito sa ground floor. Dito nagising ang babaeng negosyante kayat nagputok ito ng 9mm na baril at nag-agawan pa sila ng suspek sa loob ng bahay.

Hanggang nagising ang babaeng anak ng negosyante at tumulong pa sa pakikipag-away sa suspek.




Naka chansa naman ang suspek hanggang nakalabas ito ng bahay sa kanyang unang dinaanan at maswerte namang walang natamaan sa insidente.

Agad namang naaresto ang suspek at ngayon ay naka kulong na sa Nabas MPS samantala, nai-turn-over narin ng suspek ang baril na pagmamay-ari ng negosyante.


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments