Guro, Ipinahiram Ang Suot na Sapatos sa Isang Estudyanteng Naka-Scotchtape ang Sapatos



Hinangaan ng marami ang isang guro matapos niyang hubarin ang suot niyang sapatos at ipahiram sa isang estudyanteng nakasuot ng sapatos na nakabalot sa scotch tape. Kinilala ang estudyante na si Rey Paul. Sira ang kanyang sapatos kaya ginawan na lamang niya ng paraan na mabuo ito para may maisuot sa araw ng kanyang graduation.




Habang nakapila si Rey Paul ay napansin ni Sir Christian Carpio ang suot na sapatos ng estudyante. Dito niya nilapitan si Rey Paul at ipinahiram ang kanyang sapatos.

Nagtapos si Rey Paul sa Labuan Central School sa Zamboanga City bitbit ang ala-ala ng sapatos. Narito ang kabuuang post ng Kami facebook page:





"Habang nakapila para sa kanyang graduation nakita ng guro ang isang ga gradweyt na suot ang kanyang black shoes na balot ng scotch tape dahil ito ay sira, hindi nagdalawang isip ang gurong lalake na si Sir Christian Carpio na agad ipahiram ang kanyang sapatos sa mag mamartsang estudyante.

"Ang kuha ay inupload ni Van Nessa , kapwa guro ni Sir Carpio sa Labuan Central School.

"Congratulations, Rey Paul at kudos kay Sir Carpio sa kabutihan ng kanyang puso."

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments