Anak ni Kara David, Nagtapos Bilang Magna Cum Laude



Nagtapos bilang magna cum laude ang unica ija ni Kara David na si Julia Kristiana David. Labis namang ipinagmamalaki ng award-winning journalist ang achievement ng anak. Nagtapos si Julia sa University of the Philippines (UP) Diliman sa kursong Bachelor of Science in Family Life and Child Development noong July 30, 2022.




Proud na sinabi ni Kara sa kanyang instagram page, "And she graduated magna cum laude! Wow! Masaya na kami na makapagtapos lamang, pero dagdag karangalan pa ito.

"Napakahusay mo talaga anak. So proud of you!"

Dagdag pa niya, "All your hardwork paid off."

Bumuhos naman ang mga pagbati sa achievement ni Julia at maging sa ina nitong si Kara.

Si Kara Patria Constantino David-Cancio ay isang Pilipinong mamamahayag, host, propesor, at administrator ng edukasyon.




Nakilala siya dahil sa mga investigative at multi-awarded na dokumentaryo sa i-Witness. Ang mga dokumentaryo na ito ay "Bitay, "Selda Inosente","Buto't Balat", at Ambulansiyang de Paa.

Siya ang dating anchor ng News to Go pati na rin ang host at writer para sa i-Witness sa GMA Network. Naging host siya ng Powerhouse at kasalukuyang host ng Brigada at Pinas Sarap. Bilang karagdagan, siya ay isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Mayroon siyang TikTok account at YouTube channel para ibahagi ang kanyang kaalaman sa Journalism at iba pang bagay.

Siya ang tagapagtatag at pangulo ng Project Malasakit, isang pundasyon na tumutulong sa mga taong itinampok niya sa kanyang mga dokumentaryo.

Si David ang tanging babaeng pinangalanan sa Ten Outstanding Young Men (TOYM) award noong 2007. Noong 2010, ginawaran siya ng Outstanding Women in the Nation's Service (TOWNS award). Nanalo si David ng Peabody Award,ang pangalawang Pilipino na nanalo ng parangal na ito.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments