"This is by far the best news that I've heard this past 8 Months," ani ni Andrew Schimmer sa kanyang caption sa ibinahagi niyang video kung saan ipinaalam niyang malapit ng makalabas ang kanyang misis na si Jorhomy "Jho" Rovero. Ayon kay Andrew, dalawang linggo ang tantiya niya bago makalabas ang kanyang misis.
Ayon sa magandang balita ni Andrew, naghihintay na lamang siya ng clearance mula sa pulmonologist doctor ng kanyang asawa para makauwi na ito. Nabigyan na ng clearance ng iba pang doktor si Jho.
Dagdag pa ni Andrew, masarap umano ang tulog ni Jho marahil ay dahil alam na nitong makakauwi na siya at nag-iipon ito ng lakas. Makalipas ang walong buwan na nasa ospital ay malapit ng makauwi si Jho sa kanilang tahanan kapag naging maayos ang lab tests nito.
Nakaranas ng matinding asthma attack si Jho na nagresulta sa cardiac arrest at brain hypoxia. Dahil sa nangyari ay nasa ICU ng St. Luke's Medical Center in Bonifacio Global City, Taguig City ang asawa niya at malaki na ang kanilang bayarin.
Nagbahagi ng mensahe si Andrew para sa kaarawan ng kanyang misis. Inihayag nito ang kanyang pagmamahal sa asawa na ilang buwan na ring namamalagi sa ospital. Umaasa ang aktor na muli niyang makikitang ngumiti at tumawa ang kanyang maybahay. Aniya, magkasama nilang haharapin at pagtatagumpayan ang pagsubok na kanilang dinaranas.

Source: Noypi Ako
0 Comments