Isang Magsasaka sa Pangasinan, Binawian ng Buhay Matapos Tamaan ng Kidlat sa Ulo



May mga pangyayari sa ating buhay na hindi natin inaasahan. Sabi nga nila, hindi mo masasabi kung hanggang kailan ang buhay ng isang tao. Isang magsasaka mula Natividad, Pangasinan ang binawian ng buhay sa hindi inaasahang pagkakataon. Ito ay matapos siya tamaan ng kidlat sa kanyang ulo. Kinilala ang magsasaka na si Dionisio Dumundon Jr., 40-anyos ng Barangay San Eugenio.


Ayon sa misis ni Dionisio, nagtungo umano ang kanyang mister sa bukid para magtanim nang bigla na lamang umanong bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat. Sa ulo mismo tinamaan ng kidlat si Dionisio at hindi na siya umabot sa ospital ng buhay. Ayon sa mga awtoridad, nasaksihan umano ng mga kasama ni Dionisio ang nangyari sa kanya.


Paalala ng awtoridad, iwasan umanong magtungo sa open field gaya ng bukid lalo na kapag may kidlat. Iwasan din umanong lumapit sa puno kapag kumikidlat, huwag gagamit ng electronic devices at sumilong sa ligtas na lugar.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments