Lalaking Naghihingi ng Php5 sa Kanilang Lugar, Nag-donate ng 80 Boxes na Crayola



Marami ang naantig sa ginawang kabutihan ni Christopher Francisco mula Balete, Aklan. Nag-donate kasi siya ng 80 boxes ng crayola sa Calizo Elementary School. Nag-viral ang kanyang ginawang kabutihang ng i-post ito ni Teacher Juliet Justo. Ayon kay Teaher Juliet, laking gulat umano nila nang dumating si Christopher sa kanilang paaralan at may dalang sako.



Nang ilabas ang laman ng sako, ay tumambad sa kanila ang maraming kahon ng crayola. "Hindi kami nakapagsalita tapos nagtinginan kami, nang makita namin ang laman nang sako, hindi namin namalayan umiiyak na pala kami," ani ni Teacher Juliet.

Kilala si Christopher sa kanilang lugar sa paghingi nito ng Php5. Kaya naman labis silang nasurpresa nang ipinambili pala niya ng mga crayola ang naipong hiningi niyang pera na palima-limang piso.




Si Christopher ay may autism at mas lalo itong nakakahanga dahil sa kabila ng kanyang kondisyon ay busilak ang kanyang puso.


Narito ang kabuuang post ni Teacher Juliet:

"It's an amazing and surprising morning to us Calizo Elementary School nakatangis ta kami sa indi masayran nga feelings pero sambilog eang do buot hambaeon nga may pagkabaeaka ta imaw sa mga inunga eabi gid sa mga uwa it inugbakae ko rayang gamit nga mostly ginagamit gid it mga unga adlaw2, grabi anang effort makatipon eang imaw it 80 boxes nga triple crayons nga ipanupod kuno namon sa mga pupils, ngani pilion gid namon do deserving kara. Chris saeamat gida nga kaabo abo may our almighty God protect and bless you always"

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments