Luis Manzano and Jessy Mendiola are having a baby



Masayang ibinahagi ng aktres na si Jessy Mendiola ang panibagong yugto sa kanilang buhay ng kanyang asawang si Luis Manzano. Sa kanilang buhay mag-asawa ay masaya at excited inanunsyo na magkakaroon na sila ng anak na matagal ng inaabangan ng kanilang mga taga-suporta. Sa Youtube Channel ni Jessy ay ibinahagi niya ang video kung saan nila inanunsyo ang magandang balita.


Sa unang bahagi ng video, inihayag nila sa isa't-isa ang kanilang pagmamahalan bilang mag-asawa. Sa panibagong kabanata ng kanilang pagsasama ay sa wakas, magiging magulang na sila,

Ipinangako ni Luis na magiging mabuti siyang asawa kay Jessy at magiging mabuting ama sa kanilang magiging baby.

Marami naman ang bumati sa mag-asawa. Sa vlog na ibinahagi ni Jessy ay pinamagatan niya itong "A New Chapter"

Si Luis Philippe Santos Manzano na kilala rin sa kanyang palayaw na Lucky, ay isang Filipino-American TV host, aktor, komedyante, VJ, at modelo. Siya ay anak ng mga aktor na sina Edu Manzano at Vilma Santos.



Kilala siya sa kanyang mga tungkulin sa serye sa telebisyon na Komiks Presents: Flash Bomba bilang Roldan Legaspi at sa 2009 na pelikulang In My Life bilang Mark Salvacion. Si Jessy Mendiola-Manzano ay isang artistang Pilipino.


Nagsimulang makipag-date si Luis sa aktres na si Jessy Mendiola noong Hunyo 2016 at naging engaged noong Disyembre 12, 2020. Siya at si Mendiola ay ikinasal noong Pebrero 21, 2021.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments