Traysikad Driver, Nagtapos Bilang Magna Cum Laude!



Siya si Jerson Entrampas Aboabo, labis na hinahangaan dahil sa kanyang sipag at dedikasyon sa buhay. Pinagsasabay ni Jerson ang paghahanapbuhay bilang isang traysikad driver at pag-aaral. Nagtapos si Jerson bilang Magna Cum Laude sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology.


Ang kanyang mga naipong pera sa pag-traysikad ay ang naging dahilan siya ay makapagtapos ng pag-aaral. Plano niyang kumuha ng Masteral's Degree sa AB Panitikan upang maging college professor.


Narito ang kabuuang post na ibinahagi ng CitizenWatch facebook page:

"Ang nasa larawan ay si Jerson Entrampas Aboabo, isang traysikad drayber ay nagtapos bilang Magna Cum Laude sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology. Hindi alintana ang pawis at hirap ang dinanas sa pagta-traysikad. Nagpaalaman na siyang working student, nag-iipon ng pera para matustusan ang kanyang pag-aaral. Ngayon ay balak niyang kumuha ng Masteral's Degree sa AB Panitikan para magiging college professor. Congratulations at Mabuhay ka sir."

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments