1992 vs 2022 | Throwback Pictures Ng Magkakapatid, Kinaaliwan !



Kinagiliwan sa social media ang mga cute na cute na litratong ito na ibinahagi ng isang netizen mula sa Capiz, kung saan makikita ang re-enactment ng mga lalaki mula sa kanilang litrato noong bata pa sila taong 1992 hanggang sa ngayon na tumanda na 2022, ang mga lalaking ito ay magkakapatid.


Ayon sa promotor at sa nag upload na si Jeseph Jimenez, matagal na raw nila itong gustong gawin dahil balak nga niya noon na ipa frame ang kanilang larawan, upang iregalo sana sa kanilang ina na sasapit sa ika-60 na kaarawan, ngunit hindi matuloy tuloy dahil ang isa nilang kapatid ay nasa abroad at hindi nakauwi gawa ng dumaang pandemya.


"Medyo ayaw pa sana ni JohnRey gawin 'to kasi nga nakakahiya naman talaga ang nakahubad. So sabi namin, kahit naka brief na lang okay na kaya sya pumayag. Pero bago yan, nag offer na si Jephen sa kanya na bigyan sya ng 2K kung magagawa niya nang saktong sakto ang pose niya sa picture nung 1992," kwento ni Jeseph.

Nakailang ulit din daw sila sa pagkuha ng litratong ito, dahil hindi nagtutugma sa una nilang larawan.


Nagulat na lamang daw sila na nag viral ang kanilang reenacment photo o throwback photo noong 1992, dumagsa ang maraming likes at share sa kanilang post. Inabot din ng 30 taon bago naulit ang kanilang litrato.

"Talo yan, kasi yung sa 90s na pic nakikita tapos sa 2022 tinakpan," biro naman ng isang netizen sa kanyang kumento.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments