Online Seller Nagalit Sa Kanyang Customer, Nang Makita Ang Mga Larawan Nito Sa Cellphone Ng Kanyang Mister !


Simula ng pandemya ay nauso na ang online shopping, kaya karamihan ngayon ay sa online na bumubili ng kahit anong mga bagay, madalas dito ay mga mag asawa ang nagtutulungan sa ganitong uri ng negosyo, ang mga misis ang nakikipag usap sa mga customer at ang mga mister naman ang taga hatid ng mga pa order nito, at para hindi maloko ay pinipicturan ng mga ito ang mga item o tao, para katunayan na maayos o naihatid na ang kanilang order.


Nag viral ang isang post ng isang online seller sa social media, matapos itong magalit sa isa niyang customer na bumili ng kaniyang paninda, dahil sa mga nakita niyang litrato sa cellphone ng kaniyang mister, pinupuna pa ng online seller kung paano manamit ang kaniyang customer.


Ayon post ng online seller na si Marites Solomon, inutasan niya raw ang kanyang asawa na i-deliver ang order ng isa sa kanyang mga buyer.


Pagkatapos ng delivery ay tinignan ni Marites ang cellphone ng kanyang asawa, upang malaman kung nagdeliver nga ba talaga ng kaniyang mister ang mga pa order nito. Doon na nga nakita ni Marites ang mga larawan ng kanyang buyer, ngunit hindi lamang isa ang kuha ng kanyang mister, kundi tatlong larawan. Maging ang nakatalikod na customer kinuhanan pa ni mister ng larawan.


Imbes na magalit si Marites sa kanyang asawa ay ipinost niya ito online at sinisi pa nito ang kanyang customer dahil hindi umano maayos ang pananamit nito.

"Sa mga customers natin jan wag gayahin ito sana manlang ayusin mo pananamit mo babae ka alam mo may magdedeliver sayu. Mag suot kayo maayos customers,” sabi ni Marites.


Narito ang buong post ni Marites:


“Sa mga customers natin jan wag gayahin ito sana manlang ayusin mo pananamit mo babae ka alam mo may magdedeliver sayu. Mag suot kayo maayos customers. Nakita ko to sa cp mismo ng asawa ko hnde ko alam bakit nya pnicturan. Lalaki eh. Sya pinag deliver ko kasi dami ako inasikaso. Be aware customers.”

Ayon sa mga comment ng netizen ay maayos naman ang naging kasootan ng kaniyang customer at wala silang nakikitang mali dito, ang mali ay ang pagkuha ng litrato ng kaniyang asawa, dahil kahit nakatalikod na ito ay kinuhaan pa rin niya ng litrato.


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments