Sa panahon ngayon ay marami na ang mga nag bebenta online, katulad na lamang ng patok ngayon na pagbebenta ng ukay ukay, noon kasi ay talagang ikaw ang maghuhukay ng mga gamit para makapamili ng magagamit pang mga item, ngunit ngayong dumaan ang pandemic ay naging online na ang pamimili.aa iba't ibang mga item.
Laking swerte ng isang online seller na ito sa Tarlac, Nueva Ecija, na si Cherry Espejo, dahil habang inaayos at tinutupi niya ang kaniyang io-online selling na mga ukay ukay bedsheet ay mayroon siyang nakitang puting sobre.
Nang tignan niya ito, tumambad sa kanya ang isang klase ng pera na kulay brown at may lalaking nakaprint sa gilid at may bilog sa gitna, pera pala ito ng mga hapon, tinatawag na Japanese Yen o lapad.
Nagulantang si Cherry sa dami ng pera na nakuha niya sa kaniyang ukay ukay, at naisip niya na sana totoo ang mga pera na kaniyang nakita, dahil kailangan na kailangan pa naman daw niya iyon.
Ang kaniyang ina kasi ay maysakit at kailangan niya ng pera pampagamot dito, at sa iba rin nilang pang gastos.
Dahil sa kakaisip niya kung totoo o peke ang pera ay agad niyang ipinakunsulta ito sa asawa ng kaniyang pinsan, na nagtatrabaho sa japan.
Sinabi naman nito na totoo ang pera na hawak niya, mga lapad daw ito at malaking halaga ang katumbas sa peso.
Umabot sa mahigit 100,000 libong piso ang halaga ng lapad na nakuha ni Cherry sa kanyang ukay ukay, naibili niya ito ng bagong tricycle, para sa hanap buhay ng kaniyang asawa at nakapag bigay din siya ng pampagamot sa kaniyang ina. Nakapamahagi rin siya sa kaniyang mga kamag anak.
Source: Noypi Ako
0 Comments