Isang lalaki sa bayan ng Sta.cruz, Laguna ang araw araw kumikita ng 1,500 pesos sa pagpaparenta lamang niya ng washing machine.

Ito ang madiskarteng negosyo ni Christian Estrada na taga Laguna, 6 na taon na daw siyang nagpapa-arkila ng mga washing machine, kumikita ito ng 700 pesos hangang 1,500 pesos, mayroon na siyang 10 unit ng washing machine na pwedeng arkilahin kahit na sabay sabay pa.


Sa halagang 150 pesos hanggang 250 pesos ay makakagamit at makakapag arkila ka na ng isang washing machine para sa buong arawm free delivery na rin ito.


Naisip daw ni Christian na pwede pala niya pagkakitaan ang kanilang washing machine, at nalaman din ng kaniyang mga ka lugar na pwede pala ito, dahil nung una raw ay nahihiya pa ang mga ito na umarkila.


Taong 2008 ng lumipat ang pamilya ni Christian mula sa Masbate upang makipagsapalaran, at para makatulong sa gastusin ng kaniyang pamilya ay marami siyang mga pinasok na trabaho, tulad ng pag aalaga ng mga itik sa palayan, pananahi ng damit, pagtatanim ng gulay at pag gagapas ng damo sa bukid, namamasada din siya bilang tricycle driver sa gabi at suma-sideline bilang construction worker.


Inalala din ni Christian Estrasa ang mga pag hihirap nila ng kaniyang pamilya noong bagong salta pa lamang sila sa Laguna, ngunit patuloy siyang nagsumikap para makaahon sila sa kahirapan at para na rin sa kaniyang 8-taong gulang na anak.


Una raw na humiram ng kanilang washing machine ang kaniyang tiyahin, sinabi raw nito na babayaran na lamang niya ang pagpapahiram nito sa kanya, at ng ibinalik na ay nagbigay naman dawito ng bayad. Nasundan naman ang panghihiram ng washing machine ng tropa ng kaniyang kapatid, at dito na niya naisip na pwede niya pala itong pagkakitaan.

At dito na nga lumago at namayagpag ang washing machine rentals ni Christian.

Nakapagpagawa na rin si Christian ng sarili nilang bahay at nagkaroon din siya ng sasakyan para sa pag deliver ng kaniyang mga pinaparentang washing machine.

Source: Noypi Ako