Lolit Solis Aminadong Nai-Inggit Sa Mga Investment Ni Bea Alonzo !



Lolit Solis si Bea Alonzo nanaman ang topic.Ayon sa isang post ng kolumnista na si Lolit Solis ay naiinggit daw ito sa mga nvestment ni Bea Alonzo, lalo na sa farm nito at property sa Spain.

Si Bea Alonzo ay nakapagpundar ng isang malaking farm na tinawag na Beati Firma, kung saan makikita ang lawak at kasaganahan nito sa kanyang mga vlogs, mayroon ding nabiling property si Bea sa Spain.


"Hangga ngayon naiinggit ako sa mga investment ni Bea Alonzo. Imagine mo, ang laki ng farm niya, meron siyang property sa Spain. Bongga. Naging sikat naman mga alaga ko, pero talbog sila sa alaga ni Shirley Kuan na mahilig mag consult sa lawyer sabi ni Chuck Gomez."

Nakarating din kay manay Lolit na hindi binabasa ni Bea Alonzo ang kanyang mga hanash sa social media, pinaparating lamang daw ito kay Bea base sa kwento.

Sinabi din ng kolumnista na nagawa raw silang kanselahin ni Bea Alonzo sa isang press conference ng Beautederm, sinabihan niya rin ito ng pretty face ngunit masama namn daw ang ugali.

"Imagine mo, pinararating lang sa kanya ng team Bea niya, nagawa na niya ipa cancel tayo sa presscon ng Beautederm. Wow, ano kaya pinarating ni Shirley Kuan sa kanya para i cancel niya 3 writers? Bongga, powerful, influential, pero hindi nabenta ang product. Hay naku, pretty face nga, bad ugali naman''.


Narito ang buong post ng kolumnista sa kanyang social media account.

"Consult a lawyer ka nga Salve please. Hangga ngayon naiinggit ako sa mga investment ni Bea Alonzo. Imagine mo, ang laki ng farm niya, meron siyang property sa Spain. Bongga. Naging sikat naman mga alaga ko, pero talbog sila sa alaga ni Shirley Kuan na mahilig mag consult sa lawyer sabi ni Chuck Gomez. Isa pang gusto ko consult a lawyer iyon nabasa ko na sagot ni Bea Alonzo tungkol sa mga IG at column ko sa PSN at PM. Sabi niya hindi niya nababasa, nakakarating lang sa kanya. So, iyon mga pinarating lang balita sa kanya iyon naging basehan niya para pa cancel tayo nila Gorgy, Salve.''

'' Mahilig pala siya makinig sa mga ipinararating sa kanyang balita, now naintindihan ko na bakit siya na ghosting ni Gerald Anderson. Siguro sabi ni Gerald tutal mahilig siya sa mga ipinararating sa kanyang balita, hintayin na lang niya iyon ipararating sa kanya na pinalitan na siya ni Julia Barretto na mas maganda at bata sa kanya.''

'' Imagine mo, pinararating lang sa kanya ng team Bea niya, nagawa na niya ipa cancel tayo sa presscon ng Beautederm. Wow, ano kaya pinarating ni Shirley Kuan sa kanya para i cancel niya 3 writers? Bongga, powerful, influential, pero hindi nabenta ang product. Hay naku, pretty face nga, bad ugali naman, consult mo sa lawyer iyan Salve at Gorgy. Patulong kayo kay Shirley Kuan at Bea Alonzo. Master nila iyan.''


May patutsada na noon ang kolumnistang si Lolit Solis noong nabili ni Bea Alonzo ang isang bahay sa Spain. Nagpasaring din ang kolumnista na sana ay abutin din ni Bea Alonzo ang kanyang edad na 75.

Narito ang kanyang buong rant ni Lolit Solis kay Bea Alonzo :

“Wow! Bongga ang Bea Alonzo. Imagine mo na sa Spain siya bumili ng isang unit na apartment ha. Talagang aral siya ng Spanish language para makipag chica chica sa mga neighbors niya duon sa Spain. In fairness, ang galing ng investment niya.

"Sure ako hindi tayo puwede bumisita duon... dito nga sa Pinas pina cancel tayo sa isang presscon ni Bea Alonzo, baka lakas power niya at ipaharang tayo sa immigration ng Spain pag nagpunta tayo duon, hah hah hah. Iyon na ang the height ng power tripping, talagang bow na ako pag nagawa niya iyon.

“Ewan ko kung bakit kailangan paabutin ni Bea Alonzo sa cancel culture ang inis niya sa atin, samantalang kung level headed siya all she have to do is confront us, sabihin ang ayaw niya sa atin, at kunin kung anuman ang side natin para maayos lahat.

“Easy lang, hindi kailangan iyon power play na ayaw ko sila makita sa presscon ko, alisin sila sa list ng mga invited, very harsh di ba! Pero baka naman talagang wah niya feel ang face ko, ni Gorgy at Salve, so be it.

“Your way, our way, kanya kanya tayo, at sana lang forever Bea Alonzo ka na may power magpa cancel. Ganuon din naman iyon, pagbaba mo, andiyan parin kami dahil hindi tulad mo na ang puhunan beauty, na puwede mawala pag gurang ka na, kami habang tumatanda tumataas ang premium, hah hah hah. Goodluck Bea, sana umabot ka ng 75 years, bongga di bah."

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments