Mabuting Taxi Driver, Nagsauli ng P1.6 Million Cash na Naiwan ng Kanyang Pasahero!



Isang tapat na TNVS driver si Juan Carlos Martin matapos niyang isauli ang naiwang pera ng kanyang pasahero. Nagkakahalaga ng P1.6 Million ang perang naiwan ng kanyang pasahero na isang banyagang babae. Kuwento ni JC, mag-aalas 8, Miyerkoles ng gabi nang may nag-book sa kanya sa isang condominium sa Parañaque City. Sa isang mall sa Pasay City umano ang drop-off point. Ngunit hindi pa sila nakakalayo, sinabihan na siya ng foreigner na bumalik sa lugar kung saan siya isinakay.



"Habang ongoing po kami sa biyahe, may linagay na pera sa gilid ko ng sasakyan. May linagay pong bag po. Pakalagay niya, sabi niya, 'Balik tayo du’n sa pinanggalingan ko," ani ni JC.

"Siyempre akala ko po may naiwanan. Bumalik po ako. Pagbalik ko po, bigla po siyang bumaba. Ang iniwan niya lang na salita, 'Give it to my friend.'

"Ang inisip ko, hindi ko po alam kung sinong kaibigan ang sinasabi niya. Hindi ko po naglaro sa isip ko baka mamaya ilegal po ’yan o ano inisip ko. Baka yung booking ko na ida-drop off-an ko andu’n po ’yung kaibigan so nangyari ang ginawa ko inabante ko."




Nagpatuloy laamang siya sa pagbyahe nang hindi pa siya nakalalayo nang may dalawang lalaki na pumara sa kanya. Mga Chinese umano ito, at sa pag-aakalang ito na ang sinasabing kaibigan ng nag-iwan ng pera, isinakay niya ito hanggang sa madala sa isang mall sa Pasay.

Laking-gulat niya nang hindi rin kunin nang dalawang lalaki ang bag na may lamang pera. Nang makababa ang mga sakay niya rito niya napagtanto na nagkamali lang ang babae sa pagsakay sa kanya at ang dalawang Chinese ang talagang nagbook ng sasakyan. Dito na rin siya nabalot nang takot.

"Humingi na lang ako ng tulong sa company na pinagtatrabahuhan ko... pagdating po dun... sa Makati, sarado na ata nung time na yun... Papunta na ako sa Marikina, tumawag po ako sa kaibigan kung pulis na humingi po ako ng tulong. Sabi ko ano ba ang gagawin ko may naiwang pera sa akin malaking pera," ani ni JC.



Pinayuhan siya na dalhin ito sa Manila Police District. Dahil namasada pa siya para hindi masayang ang biyahe, pagdating niya sa MPD, nandoon na rin ang babae na nag-iwan ng bag na may lamang malaking pera. Labis umano ang pasasalamat nito. Dito niya na rin nalaman na nasa P1.6 milyon ang buong halaga ng pera.

Ayon kay JC, imbes magkainteres, takot ang naramdaman niya nang makita ang malaking pera na naiwan sa kanyang sasakyan kaya agad siyang nagisip kung paano maisasauli ito. Para kay JC, kahit kapos din siya dahil sa dami ng mga gastusin at bayarin, nanaig parin sakanya ang katapatan.

Hindi umano ito ang unang beses na may naiwan sa kanya ng mga gamit sa sasakyan, kagaya ng cellphone at mga wallet, pero agad niya namang ibinabalik. Ipinost ni JC sa kanyang Facebook account ang kanyang kwento at umani ito ng paghanga.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments