Dahil sa hiråp ng buhay dito sa Pilipinas ay ang ilan sa ating mga kababayan ay nakikipag sapålaran sa ibang bansa. Ang ilan ay sinuswerte at nagkakaroon ng magandang buhay ngunit ang ilan naman ay hindi pinapalad sa kanilang mga nagiging amo at trabaho. Minsan ay nagiging mitya pa ng kanilag buhay ang pagpunta sa ibang bansa lalo na sa mga bansa na may mga taong hindi mabubuti ang kal0oban at tila walang konsensya.
Marami na ang nauulat na ang mga kababayan natin na OFW ay hindi naging maganda ang karanasan sa ibang bansa. Gayunpaman, ito lamang ang naiiisip na paraan lalo na ng mga ina dito sa Pilipinas. Upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak ay nagsasakripisyo sila.
Isang nakakalungkot na balita ang kumalat sa social media kamakailan lamang. Isang kababayan natin ang binawian ng buhay sa bansang Saudi Arabia. Ayon sa mga ulat ay 12-taon na umanong nagtatrabaho sa Saudi ang OFW na kinilalang si Marcela.
Dahil sa kagustuhang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya ay napabayaan na ni Marcela ang kanyang kalusugån. Na-diagn0se si Marcela sa stage 4 c4ncer na dahilan ng kanyang pagkawala.
Kinakailangan umano ng SAR30,000 o katumbas halos ng Php400,000 ang ticket sa Philippine Airlines upang maiuwi ang mga labi ni Marcela ayon sa huling ulat.
Ang mas malugkot pa rito ay hindi man lamang nakapiling ng kanyang pamilya si Marcela sa huling mga sandali nito sa mundong ibabaw. Tanging sa video call lamang nakikipag-ugnayan ang pamilya ni Maricel at sa mga kasamahan ni Maricel.
Source: Noypi Ako
0 Comments