Ano kaya sa tingin niyo kung ang inyong mga anak ay hindi lamang nakapasa sa board exam, bagkus nakapasok pa sa top 10?
Ganito ang nangyari sa isang anak ng Empanada vendor at welder na kamakailan lamang ay nakapasa sa Nursing Board Exam at naging 10th placer pa sa rank. Ang nasabing board passer at 10th placer ay nakilalang si Shannara Mica Guta Tamayao, isang nursing graduate na galing Laoag City, Ilocos Norte.
Maraming Filipino ang na-inspire sa batang babaeng ito, dahil pinatunayan niya na ang kahirapan ay hindi hadlang para makamit mo ang mga pangarap mo sa iyong buhay.
Halos lahat ng kanilang paghihirap ay nabayaran matapos niyang maipasa ang national board exam at nasungkit ang pagiging top notcher na may score na 84.60%.
Bilang isang panganay sa magkakapatid, inaasahang siya ay makakatulong sa kanyang pamilya na maiahon sila sa kahirapan at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga magulat at mga kapatid. Layon niyang ipasa ang National Council Licensure Examination (NCLEX) at pagkatapos ay kumuha ng Master's Degree bago mag-apply para sa trabaho.
Sa pagkakaroon ng buong suporta, pagmamahal at commitment ng mga taong nakapaligid sa iyo kasabay ng iyong kasipagan at pananalig sa Diyos, siguradong makakamit mo ang iyong mga pangarap at maging matagumpay para sa iyong pamilya at sa iyong sarili.
Source: Noypi Ako
0 Comments