Sa kwentong ibinahagi ng programang Tunay na Buhay ng GMA Public Affairs. Itinampok nito ang istorya ng viral ‘Lola Techie’ na si Virginia Benigno Malay. Isang 100 anyos na lolang kinilala at pinarangalan bilang pinakamatandang kalahok sa isang virtual reunion.
Bukod pa diyan, si lola Virgie din pala ang kauna-unahang nakapag tapos sa UP-PGH sa kursong Nursing.
Bukod pa diyan, si lola Virgie din pala ang kauna-unahang nakapag tapos sa UP-PGH sa kursong Nursing.
Noon pa man ay aktibo na raw ito sa mga reunions ngunit dahil sa pandemya at kaniyang edad, nilimitahan na nito ang paglabas ng bahay at sa halip ay dumdalo na lamang ang tinaguriang ‘Lola Techie’ sa mga reunion gamit ang kompyuter at virtual application na Zoom.
Matapos ang panonood ay ginugugol na nito ang oras sa pagdarasal at pagpapaghinga ng katawan.
Dito na ni lola Virgie nabanggit na isa sa mga paborito at hinahangaan niyang artista ay ang beteranang aktres na si Gloria Romero, na siya pa lang estudyante nito noon sa Alaminos.
Kaya naman sinorpresa ng host ng naturang show na si Pia Arcangel ang dalawang lola at binigyan ng pagkakataon na magkita at makapagusap gamit ang makabagong teknolohiya.
Narito ang iilan sa kanilang naging kamsutahan:
Gloria Romero: “It’s so nice to see my teacher, wow!”
Virginia Benigno Malay: “I’m so proud of you, what you have reached as an actress and as a model pa!”
Gloria Romero: “Wow! Thank you thank you so much ho. Nakakaiyak naman na naaalala niyo pa ‘ko.”
Virginia Benigno Malay: “Oo naman, you’re so popular.”
Hindi matatawaran ang natatanging pagkakataong ito dahilan para maging emosyonal ang mga nakapanuod ng programa at umani ng libo-libong reaksyon sa social media.
Saad ng isang netizen, “One of our oldest liv𝔦ng actresses in the Philippines meeting her H.S. teacher, who is a hundred years old was really a one of a k𝔦nd encounter for both Tita Gloria and Ma’am Virgie. Longer life and more blessings for both of them.”
Panuorin sa baba ang kabuuang video:
Source: Noypi Ako
0 Comments