Bilang isang magulang, layunin natin na makapagtapos at masigurado ang magandang kinabukasan ng ating mga anak. Kaya naman ang mga nanay at tatay ang lubhang natutuwa kapag natupad ang mga ambisyon at pangarap ng kanilang mga anak. Tulad na lang ni 'Matang Lawin' Kuya Kim Atienza na proud na proud sa nakamit ng kaniyang anak na lalake.



Ibinahagi ni Kuya Kim ang mga larawan kung saan siya mismo ang naging pasahero sa pinapalipad na eroplano ng kaniyang anak na si Jose.

"First flight with Jose as my pilot. Mama and I shall forever be the wind beneath your wings son!,” Sabi nito.

Kitang kita ang walang katumbas na ngiti ng ama sa taas ng naabot ng kaniyang anak. Sa murang edad na 17 taong gulang ay isa ng lisensyadong piloto si Jose III Hung Atienza. Katunayan ay Grade 12 pa lamang ito.





Bata pa lang daw si Jose ay mahilig na itong mangolekta ng mga laruang eroplano dahil ito talaga ang kaniyang pinapangrap.

Kasama sa kanilang paglipad ang isang mataas na opisyal na nakapuwesto rin sa front seat ng eroplano upang maging gabay nito. Nagsanay ito sa Leading Edge Aviation Academy sa San Fernando City La Union.

Dedikasyon at sipag sa pagsasanay ang naging puhunan nito hanggang sa makayanan niyang makapag palipad ng eroplano ng mag isa.



Matapos ang matagumpay na pagsasanay ay natupad ni Jose ang pangarap na maging lisensyadong piloto. Hindi naman maikubli ni Kuya Kim ang saya at labis na pagka 'proud' sa kaniyang anak na kahit batang bata pa ay kinakitaan na ito ng determinasyon at malinaw na hangarin sa kaniyang ambisyon.

Payo ng ama sa panganay na si Jose ay huwag na huwag makakalimot na magdasal maging ano mang tagumpay ang marating at kinabukasang naghihintay sa kaniya.

Source: Noypi Ako