Isang Ina' Pasan pasan ang anak hanggang sa makapagtapos ito ng kolehiyo.



Walang sukatan ang pagmamahal ng mga dakilang Ina sa kanilang mga anak, lahat ng pagsasakripisyo ay kayang pasanin maibigay lang ang buong suporta para sa pangarap ng mga anak makapagtapos ng pag-aaral.

Marami ang naantig sa kwento ng tunay na tagumpay na nakamit ng mag-Inang sina Crestina at ang anak nitong si Jaylen na may kapansanan.


Kulang ang salitang pasasalamat ayon kay Jaylen na ngayo’y abot kamay ang tagumpay nang makapagtapos ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Office Administration sa Primasia Foundation College, hindi lang dahil sa kanyang determinasyon kundi dahil hindi siya sinukuan ng kanyang Ina na pasan-pasan siya hanggang matanggap ang kanyang mga diploma.

“Mahirap po kasi pag wala yong Mama ko, wala po, hindi ko po kaya. Yong Mama ko po ang nagsilbing mga paa at mga kamay ko,”

Kahanga-hanga rin ang tiwala ni Jaylen sa kanyang sarili at lakas loob na hinarap lahat ng mga pagsubok na kaniyang pinagdadaanan bilang isang PWD. Napuno siya ng mga panunukso at nabübülly sa eskwela dahil sa kanyang pisikal na kondisyon. Hindi siya nakakalakad at maging ang mga kamay niya’y apektado dulot ng sakit na poli0.


“Paano kung bibitaw na ako, paano kung kahit sa kaunting dahilan susuko na ako. Kaya kahit na nahihirapan na ako at binübülly ng mga ibang tao at ng mga kababata ko, sinabi ko sa sarili ko na Jaylen wag kang susuko, kaya mo yan,”

Umabot noon sa punto si Jaylen na maging sa kanyang mga magulang ay nahihiya na siya, iniisip na baka dagdag pabigat pa siya sa kahirapan nila kung ipagpapatuloy pa niya ang pangarap niyang magtapos.

“Napakasakit po sa kalooban ko na hindi na po ako makapag-aral, kaya gumawa po ako ng paraan. Nahihiya po akong sabihin sa mga magulang ko, kaya ang ginawa ko sinulatan ko po sila, nagmamakaawa ako na gustong-gusto ko pong makapag-aral. Kahit may kapansanan po ako pangako ko pong hindi ko kayo bibiguin,”

Solo si Aling Crestina sa paghahatid sundo kay Jaylen dahil parehas ng anak, hindi rin nakakalakad ng malayo ang Ama nitong si Mang Boy, dahil sa parehas silang tinamaan ng sakit na poli0 at dahil sa kawalan ng pampagamot ay napabayaan nalang na naging resulta ng kanilang pagkaparalesa.

Araw-araw mula grade school hanggang sa makapagtapos si Jaylen ng kolehiyo, pasan-pasan ni Aling Crestina ang anak papuntang paaralan baon ang buong pagtitiwala sa kakayahan nito, kahit pa sa maraming mga negatibong opinyon ng ibang tao sa pagsasakripisyo niya kay Jaylen.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments