Mga namamalimos sa kalye, mayroon ng QR code na para sa mga walang dalang barya



Nag-viral kamakailan sa social media ang nga batang namamalimos sa kalsada ng Maynila.

Hindi nalang palad o kamay ang ginagamit ng mga namamalimos ng barya at pagkain, gumagamit na rin sila ngayon nh QR code ng isang e-wallet para sa online na transaksyon o para sa mga taong walang maibigay na barya.

Ang mga larawan ay in-upload ng netizen na si Angelo Gabriel Fuentabella na agad agad namang nag viral.


Nang may nanghingi raw sa kanila ng limos ay sinabi nila na wala silang barya, ngunit naglabas raw ng malaking QR code ang bata kaya nagulat sila at natawa.

“Nagsabi kami na wala kaming barya tapos biglang naglabas ng ganun ng QR code kaya natawa muna kami. Chineck namin kung totoo yung QR. Nakalagay ‘Beverly,’” ayon kay Angelo Gabriel Fuentebella.

"Laging akong naaawa kaya nagbibigay. Hindi ko na naiisip na hindi pala sa kanila mapupunta ganun. Minsan naman pagkain binibigay ko kung meron ako,”
 dagdag niya

Ayon sa National Anti-Poverty Commission (NAPC), hindi dapat magbigay ng limos dahil posibleng parte ng sindikato ang mga namamalimos.

Merong mga sindikato na nasa likod ng mga ganito merong mga instances noon na hinahatid ito ng van sa umaga pinipick up sa gabi,” ayon kay NAPC vice chairperson Reynaldo Tamayo Jr.

Maaaring makulong nang hindi lalampas ng dalawang taon ang magulang ng batang nanghihingi limos.

May parusa rin para sa mga nagbibigay ng limos, P500 ang multa, batay sa Anti- Mendicancy Law of 1978.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments