Nagsalita na ang traffic enforcer ng Las Piñas ukol sa nag-viral nilang video ng pagkakahuli niya sa isang delivery rider at ang pagluhod at pagmamakaawa nito sa kaniya.
Ayon sa Enforcer, matapos mag viral ang video, ay nakakatanggap siya ng kaliwa't kanang pangba-bash.
Ayon sa Enforcer, matapos mag viral ang video, ay nakakatanggap siya ng kaliwa't kanang pangba-bash.
Hindi raw totoo na wala siyang awa at konsiderasyon sa rider, dahil ang totoong violation daw nito ay "counterflow" na may penalty na nagkakahalaga ng P2,000, dahil nga daw sa awa niya sa rider ay ibinababa nito ang violation sa rider na "lane marking" na ang multa ay nagkakahalaga ng P500.
Pilit raw pinapatayo ng enforcer ang rider kaya nilalayuan niya ito, ngunit pa rin daw itong lumuluhod.
Ayon din sa enforcer, ay hindi naman pwedeng palagpasin ang mga violation kapag ang lumuhod o nagmakaawa ang mga motorista.
Maaari rin daw na gayahin ng ibang rider ang kaniyang ginawa o maaring mawalan ng trabaho ang enforcer kapag hindi ito tiniketan.
Ipinaliwanag rin ng enforcer ang hirap nila kanilang trabaho.
Payo rin ng enforcer ay huwag sila basta basta husgahan at huwag basta tumingin sa mga nakikita lang sa social media, alamin muna ang tunay na pangyayari.
Source: Noypi Ako
0 Comments