Viy Cortez, Pinahanap at Tinulungan ang lumuhod na Delivery Rider sa isang Traffic Enforcer


Ipinahanap ng sikat na vlogger, social media personality at negosyanteng si Viy Cortez ang nag viral na delivery rider kung saan lumuhod ito sa isang traffic enforcer upang magmakaawa, matapos matiken dahil sa kaniyang paglabag sa batas-trapiko sa Las Piñas.

Ibinahagi ni Viy sa kaniyang Facebook post na hinahanap niya ang delivery rider, tampok ang isanh larawan ng delivery rider na nakaluhod sa enforcer.


“May nakakakilala po ba kay kuya na nag trending sa tiktok? Yung kumuha ng lisensya ni kuya tapat lang siya sa sa kanyang trabaho(hindi ko alam ang tunay na nangyare) Pa tag po salamat,” caption sa Facebook post ni Viy Cortez

Paglilinaw ni Viy, ginagampanan lamang ng traffic enforcer ang kaniyang trabaho, at hindi raw niya alam ang tunay na mga mangyari. Kaya niya pinahahanap ang delivery rider ay upang maabutan ito ng tulong, dahil nakadudurog ng puso at kalooban ang ginawa nitong pagluhod dahil sa paniniket sa kaniya.

“Guys walang mali ang enforcer basahin nyo caption ko. Tapat lang sya sakanyang trabaho. Nais ko lang tulungan si kuya rider. Dahil para lumuhod ka at magmakaawa maaring malaki ang pinagdadaanan nya.”



Sa kaniyang update sa comment section ay natagpuan na niya ang delivery rider, at kanya na raw itong nakausap.

Aminado naman daw ang delivery rider sa kaniyang pagkakamali at paglabag.

“Aminado po si kuya na siya ay nagkamali. Saka lang po siya lumuluhod para sana mapababa kase po ₱2k po ang kailangan para maibalik. Kaya po wala kasalanan ang enforcer tapat po s’ya sa kaniyang trabaho,” paglilinaw ni Viy.

Hindi na idinetalye ni Viy Cortez kung anong tulong ang ibinigay niya sa nag-viral na delivery rider.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments