Pulubi, naging milyonaryo dahil sa pamamalimos




Alam mo ba na mayroon ng naging milyonaryo sa pamamalimos? Kilalanin ang pinakamayamang pulubi sa mundo. Siya si Bharat Jain, mula sa India, ang tinaguriang pinakamayamang pulubi sa mundo. 

Umabot sa mahigit $1M o P54.3 milyon ang naging net worth ni Bharat Jain dahil lang sa pamamalimos nito aa kalsada ng Mumbai, India. 

Kumikita umano si Bharat Jain ng Mumbai ng 60,000 hanggang 75,000 rupees kada buwan. Katumbas yan ng hanggang ₱49,000, sa pamamalimos niya ng 10 hanggang 12 oras.

 Dahil sa kinitang ito ni Bharat Jain nakabili siya ng isang apartment unit na nagkakahalaga ng P7 milyon at dalawang pwesto ng tindahan na kaniyang pinaparentahan ng P20,000 kada buwan. 

Nag-aaral ngayon sa private school ang kaniyang dalawang anak at ang kaniyang asawa naman ang nag ma-manage ng kanilang tindahan.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments