Batang may Cancer sa Baga, Humihingi ng Tulong

 

Isang Vlogger na si CJ Yllana Vlogs ang humihingi ng tulong para sa isang batang may sakit na cancer sa baga upang mapagamot ito.

Mapapanod sa post ni Yllana ang isang bata na si Miko, ayon sa bata ay gusto niyang gumaling "Gusto ko pa pong tumagal pa yung buhay ko".

Sa kwento ni Miko, sumuka siya ng dugo at dumumi at ang kanan niyang mata ay di na umano nakakakita dahil sa kanyang karamdaman.

Gusto nang bata na siya ay gumaling at makapag-aral pa ng matagal.

"Sana may tumulong po sakin, gusto ko po kasi gumaling tsaka makapag-aral ng matagal"- saad ni Miko.

Narito ang kabuuang post ni CJ Yllana Vlogs,

"Nagsusumamo po ako sa inyong lahat sa mahigit 52,000 na followers na maaaring makarinig at makaramdam ng panawagang ito. Sana po ay may mga pusong maantig at handang tumulong, kahit sa simpleng paraan tulad ng panalangin🥺🙏🏻.

May isang batang nagngangalang Miko na patuloy na lumalaban sa kanyang pinagdadaanan . Siya po ay may sakit na cancer sa BAGA. Sa murang edad, marami pa sana siyang mga pangarap makapag-aral , makapaglaro , at maranasan ang saya ng pagiging bata. Ngunit dahil sa kanyang kalagayan, unti-unti pong nahahadlangan ang mga simpleng bagay na dapat sana’y kanyang nararanasan.

Sa kabila ng lahat, hindi nawawala ang kanyang pag-asa na gumaling at mabuhay nang payapa. Isang munting puso na puno ng tapang 💪 at pangarap 🌟ngunit nangangailangan ng tulong mula sa atin.

Sana po ay mapansin ninyo ang kalagayan ni Miko. Ang inyong dasal 🙏, pagbabahagi ng mensaheng ito , o anumang tulong na inyong maibibigay ay napakalaking bagay na po para sa kanya at sa kanyang pamilya 👨‍👩‍👦.

Sama-sama po nating ipagdasal na mabigyan pa siya ng pagkakataon na mabuhay , mangarap , at makamit ang kanyang mga nais sa buhay.

Maraming salamat po , at nawa’y pagpalain ang bawat isa sa inyong kabutihan 😭🙏🏻."

                                        
Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments