Isang lalaki na nakapagtapos ng Educ ang minamaliit dahil nagtitinda lamang sya ng ulam kasama ang kanyang ina.
Ayon sa post ni Andrew Pineda, dahil sa pandemya ay nahirapan syang maghanap ng trabaho kaya nagtinda na lamang sya ng ulam at almusal kasama ang kanyang ina para tulungan ito magtinda.
Ayon pa sa kanya ay wag umanong ikahiya sa pagtitinda lalo na kung ito ang pinagkukunan nila ng panggastos sa pang-araw-araw at wag na umanong mag-inarte.
Sabi pa ni Pineda na maging madiskarte lalo na sa panahon ng kagipitan at wag umanong mag-reklamo dahil marangal naman ang pagtitinda kaya wag umano itong ikahiya.
Ito ang kabuuang post ni Andrew pineda sa kanyang Fb account,
Diba Kumuha ng kursong Educ yan? Hindi pa ba siya nagtuturo? Hala, sayang dapat maghanap kana work.
“PANDEMIC” sa tingin niyo po ba ganun kadali maghanap ng work?
Opo tindero, kami mama ko taga tinda ng almusal at ulam pero sa ganitong paraan napapakita ko pong edukado ako at hanggat nabubuhay ang magulang ko patuloy ko po silang tutulungan at susuportahan. Ang mahalaga may silbi at sense tayo sa lipunan
I just want to try insipire others especially mga kabataan to be educated enough about sa hindi nakakahiya ang pagtitinda at lalong lalo na sa hanap buhay ng ating magulang kaya iwasan mag inarte dapat maging madiskarte lamang tayo sa panahon ng kagipitan wag tayo magcomplain kung bakit ganito? ganyan? Tandaan po natin na masama ang magkumpara at dapat stay humble lang tayo kahit ano pa ang marating natin sa buhay. Spread goodvibes Thank You😇.
Source: Noypi Ako
0 Comments