OFW sa Saudi nakapagpatayo na ng sarili niyang bahay kahit maliit ang kaniyang kita!




Naging natural na lamang sa pamilyang Pilipino ang pagkakaroon ng magulang o anak na nagtatrabaho sa ibang bansa. Noon, marami sa atin ang nag-aakalang kapag nakapunta na at nakapagtrabaho sa ibang bansa ay paniguradong makakaahon na sa kahirapan.



Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, halos lahat ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay magsasabing wala silang sapat na ipon dahil sa lahat ng kanilang kinikita ay napupunta lamang sa kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas. Nakakalungkot dahil sa tinagal-tagal ng kanilang pagbabanat ng buto sa ibang bansa ay tila wala silang mapanghahawakang pera sa oras na magretiro na sila.



Kahit maraming mga OFW ang totoong nakakaranas nito, mayroon pa rin namang iilan na nagsusumikap upang kahit papaano ay makapag-ipon at makapagpundar sila para rin sa kanilang kinabukasan lalo na ng kanilang sariling pamilya. Tulad na lamang ng OFW na si Sheryl Ramos Devera na kasalukuyang nagtatrabaho sa Saudi.



Sa loob lamang ng dalawang taon at kalahati ay nakapagpatayo na siya ng kaniyang sariling bahay. Maaaring simple at ordinaryong bahay lamang ito para sa iilan ngunit para sa kaniya ay isa na itong katuparan sa kaniyang mga pangarap.


Isa sa pinanghahawakan niya ay ang mga katagang “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.” Basta’t mayroon kang pangarap at desidido ka sa buhay ay hindi imposibleng makamtan mo rin ang mga bagay na ninanais mo.




Maliban sa pagiging OFW ay nais niya ring pasukin ang pagiging isang “vlogger”. Sa ngayon ay mayroon na siyang sarili niyang YouTube channel, ang “Sheryl Vlogs”.

Tunay ngang nagdulot siya ng napakagandang inspirasyon para sa maraming mga Pilipino lalo na ang mga OFW na hanggang sa ngayon ay kumakayod pa rin sa ibang bansa. Hindi pa huli ang lahat para sa mga OFW na ilang taon nang nagsusumikap at nagtitiis ng pangungulila sa ibang bansa.


Mayroon pa kayong pagkakataon na masiguro ang kinabukasan ng inyong pamilya at maging ng inyong sarili. Huwag nating kalilimutang hindi tayo palaging malakas at bata kung kaya naman mas nararapat na maging handa rin tayo kung dumating na ang panahon ng ating pagreretiro.





Post a Comment

0 Comments