Isang babae sa Davao City ang nagwala matapos sitahin dahil walang facemask kaya dumiretso ito sa kulungan dahil sa kanyang ginawa.
Sa kulungan nauwi ang pagwawala ng isang babae matapos itong sitahin ng mga guwardiya at pulis dahil sa hindi pagsusuot ng face mask at face shield habang papasok ng supermarket sa Davao City.
Sa kulungan nauwi ang pagwawala ng isang babae matapos itong sitahin ng mga guwardiya at pulis dahil sa hindi pagsusuot ng face mask at face shield habang papasok ng supermarket sa Davao City.
Base sa mga video na ibinahagi sa Facebook ni Manche Obas Marquez, mistulang galit na galit ang babae habang nakikipagtalo sa mga guwardiya at pulis na nakabantay sa supermarket.
Napag-alaman sa ulat ng Brigada News Davao na gustong pumasok ng babae subalit pinigilan ito ng mga pulis dahil walang suot na face mask at face shield. Kasalukuyang ipinatutupad sa ilang bahagi ng bansa ang ‘no face mask, no face shield, no entry’ sa mga commercial etsablishments upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.
Nakilala naman ang babae na si Vivian Sun, isang negosyante umano at residente ng Peace Avenue, Bangkal, Barangay Talomo ng nabanggit na lungsod.
Bukod sa pakikpagtalo, sinuntok din umano ng negosyante sa dibdib at braso ang isang pulis saka pinalo pa ng papel.
Dahil dito, napilitang dalhin sa presinto si Sun subalit maging kay Station Commander Major Sean Logronio ay patuloy itong nakikipagtalao dahil daw sa ‘harassment’ na kaniyang naranasan.
Giit naman ng negosyante, hndi siya nagalit sa hindi pagpayag na siya’y makapasok kung hindi sa pagtulak umano sa kaniya.
Dahil dito, patung-patong na reklamo ang kinahaharap ni Sun kabilang na ang may kaugnayan sa R.A 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, Direct Assault and Alarm and Scandals at paglabag sa Executive Order 55 ng Davao City.
Maging paalala nawa ito kaugnay sa pagsunod sa mga safety protocols saang panig ng bansa ka man naroroon.
Source: Noypi Ako
0 Comments