Dahil umano sa bagal ng internet connection, libu-libong pisong lahaga ng parehong order na pagkain ang nai-deliver sa iisang address sa Cebu City.

Umabot sa 30 food delivery riders ang nagsidatingan sa isang bahay sa Barangay Mabolo ng lungsod upang mag-deliver ng parehong order na chicken fillet and French fries.


Napag-alamang isang 7-anyos ang umorder ng fries at chicken fillet. Pero dahil sa pagloloko ng internet, maraming beses na pala ang bata nakapag-transact na hindi niya alam.

Dahil sa insidente, naawa ang mga kaibingan ng mga rider at binili na lamang ng ilang mga order.

Ayon sa ulat, aabot sa 40 na food riders ang na-book ng bata, pero 30 lamang ang dumating sa lugar dahil na-cancel na ang ibang order.


Narito ang kabuuang post ni Dann Kayne Suarez sa kanyang Fb account,

NANGAHALIN NA GUYS PERO ANG UBAN RIDER NANGLARGA NA BISAN WA SILA NAHALINI KY NAA PA SILAY MGA BOOKING. HINAUT GUYS E MONITOR NATO ANG ATONG MGA BATA KUN MO ORDER O MOGAMIT SA PHONE. Pero sa ani na case, ang internet nila naglag, so na multiple order. Una ni error ang order sa bata tungod sa connection, so ni order balik ang bata but ni error napud mao iyang gi padayun ang pag make og order nga sige og ka error.


Nasayup ang bata og order, so everyone is helping jud, dghan nangabot foodpanda. Upat ra jud unta ako paliton but gipamalit lng nako ang nangabilin para mauli na sila. Kun kinsa mohelp pwede mo mo order nako, ilisi lng ko, chicken fillet with fries ni. Mga 42 daw ni kabuok sila mangabot ky 42 daw ka orders..

Source: Noypi Ako