Isang guro ang gumawa ng paraan upang maabutan ng tulong ang kaniyang mga mag-aaral. Hindi alintana ng guro na ito ang paggastos at paggamit niya ng sarili niyang pera mahatiran lamang ng kauting pagkain ang kaniyang mga mag-aaral na talagang hirap sa buhay.
Napakarami nang mga tao ang nawalan ng trabaho at mga kompanyang kinailangang magsara dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic sa maraming mga bansa sa buong mundo. Sa kabila ng napakahirap na sitwasyong ito ay nanatili pa ring positibo ang ilang mga tao.
Mas marami ang nagpupursige at nagnanais na makatulong sa kanilang kapwa sa paraang makakaya nila. Halimbawa na lamang ang guro na ito na si Maisarah Hannan ng St. Cecilia Convent Secondary School sa Sandakan, Malaysia.
Ayon sa naging pahayag ng 35 taong gulang na guro ay marami na siyang natatanggap na mensahe sa kaniyang mga estudyante na nagsasabing napakahirap ng sitwasyon nila sa ngayon at talagang gutom ang kanilang nararanasan. Dahil dito ay napagdesisyunan niyang mamili ng kaunting mga pagkain at pangunahing pangangailangan para sa pamilya ng kaniyang mga mag-aaral.
Dahil dito ay mas maraming mga guro pa ang nagkaroon ng inspirasyon upang makatulong din sa kanilang mga estudyante. Ayon pa sa matulunging guro ay hindi naman malaki ang hinihiling ng mga ito.
Pagkain lamang ay sapat na para sa kanila. Kahit mahirap ay pera na mismo niya ang kaniyang ginagamit at sinubukan din niyang humingi ng tulong sa kaniyang mga kapwa guro. Dagdag pa niya ay karamihan sa kaniyang mga estudyante ay talagang mula sa mahihirap na pamilya.
Marami sa kanilang mga magulang ay nawalan na ng mga trabaho kung kaya naman wala silang ikinabubuhay sa ngayon. Sa ginagawang ito ng mga guro ay nagnanais sila na kahit papaano ay maibsan ang hirap at gutom na nararamdaman ng maraming mga pamilya sa gitna ng pandemyang ito.
0 Comments