Marahil marami sa atin ang hindi pa pamilyar sa salitang “auction”. Ang salitang “auction” o “subasta” sa Tagalog ay isang “public sale” kung saan ang anumang kalakal, pag-aari, o bagay ay ibinebenta sa pinakamataas na halaga.
Malaking pera ang pinag-uusapan dito dahil sa pataasan talaga ng “bid” ang labanan para sa mga taong nagnanais na mabili o mapunta sa kaniya ang bagay na sinusubasta. Ngunit sinong mag-aakala na ang isang “racing pigeon” pala ay maaaring magkahalaga ng higit pa sa Php90 milyong piso!
Ayon sa ilang mga ulat na sumorpresa sa publiko ay naibenta ang isang racing pigeon sa isang auction sa Belgium sa halagang $1.9-M (1.6-M Euros) o halos P91.5-M! Sa ngayon ay maituturing na itong isang “world record”.
Ang naturang racing pigeon ay dalawang taong gulang na. Nabili ito ng isang Chinese bidder noong Linggo, ika-15 ng Nobyembre. New Kim ang pangalan ng kalapati na ito.
Ayon nga sa naging pahayag ng online auction house na Pipa ay hindi rin sila makapaniwala sa kinalabasan ng auction na ito dahil sa nagsimula lamang sa 200 Euros o katumbas ng P11.4k ang tawaran hanggang sa sumunod na araw ay tumaas na nga ito sa 1.3-M Euros (P74.2-M). Sa huling 30 minuto ng naturang bidding ay umabot pa sa 1.6-M Euros ang halaga ng racing pigeon na ito.
“I believe it’s a world record, there has never been an officially documented sale at such a price. I didn’t think we could reach that amount,” pahayag ni PIPA chairman Nikolaas Gyselbrecht sa isa sa mga naging panayam nito.
Nahigitan pa nga ni New Kim ang pinakamahal na pigeon noon na si Armando, isa ring Belgian racing pigeon. Nabili siya sa auction noong 2019 sa halagang 1.25-M Euros (P71.35-M). Taong 2018 nang magkampeon si New Kim sa “Ace Pigeon Grand National Middle Distance” na ginanap sa “Chateauroux and Argen ton-sur-Creuse” sa France.
0 Comments