“McPlant” ang magiging bagong produkto ng isa sa pinakamalaking fast-food chain restaurant sa bansa. Ibinahagi na ng kompanya sa publiko ang nalalapit nilang pagpapakila sa bago nilang produkto na isang “plant-based burger”. Nais ng kompanyang suportahan ang dumaraming bilang ng mga taong hindi kumakain ng karne sa buong mundo kung kaya naman naisip nila ang pagkakaroon ng isang produktong “plant-based”.
Ayon sa naging pahayag ni McDonald International President Ian Borde ay mayroon na silang grupo na namamahala sa bago nilang produkto na ito. Katuwang din nila ang kompanyang “Beyond Meat” na kilala dahil sa mga “vegan meat substitutes” nito.
“We have created a delicious burger that will be the first menu option in a plant-based platform.” Pahayag ni McDonald International President Ian Borde.
“Beyond Meat and McDonalds co-created the plant-based patty which will be available as part of their McPlant platform,” pahayag naman ng isang Beyond Meat spokesperson.
Hindi na bago sa publiko ang pagkakaroon ng ganitong klaseng produkto dahil nauna nang naglabas ang iba pang fast-food chain tulad ng Burger King at Dunkin’ ng kanilang mga “plant-based” na mga produkto. Ipinahayag din ng McDonald’s na sa gitna ng pandemyang ito ay hindi pa rin mawawala ang mga paboritong “comfort food” ng marami nilang mga parokyano.
“Demand for the familiar in these uncertain times is more important than ever,” pahayag ng isang McDonald’s spokesperson. Plano din ng kompanyang mapasarap at mapabuti pa ang ilang mga “best sellers” nila tulad na lamang halimbawa ng kanilang “toasty buns” at ang “enhanced grilling approach” nila para sa kanilang mga hamburgers.
Nais nilang piliin din ng kanilang mga kostumer ang “McDonald’s chicken”. Maging ang bagong “online platform” at bagong “loyalty program” ay pinaplano din nilang ilunsad.
Magkakaroon din sila ng “drive-in only outlets” at mga linyang para lamang sa mga kostumer nilang umorder na ng kanilang mga produkto online.
0 Comments