Maraming mga tao ang naapektuhan ng pandemya sa iba’t-ibang dako ng mundo. Hindi na rin mabilang pa ang mga negosyo at establisyementong kinailangan magsara dahil sa pagkalugi.
Talagang nakakapanlumo ang napakahirap na sitwasyong ito ngunit sinisikap ng marami sa atin, lalo na ng mga Pilipino ang makabangon muli sa kabila ng mga pagsubok na ito. Isa na marahil sa labis na naapektuhan ng pandemya ang mga kainan o restawran.
Dahil sa delikado ang lumabas nang walang suot na face mask at face shield ay maraming mga tao ang hindi na muna nagpupunta at kumakain sa mga kainang ito. Dahilan upang lalong mabawasan ang mga parokyano ng mga kainang ito.
Kapag wala nang kumakain at bumibili sa kanila ay wala na rin silang kikitain at wala nang ipasusuweldo pa sa kanilang mga tauhan hanggang sa tuluyan na rin silang magdeklara ng pagkalugi. Kahit pa ilang mga buwan na rin ang nakaraan buhat ng magsimula ang pagkalat ng COVID-19 sa buong mundo, may iilan pa ring mga negosyong pilit na kinakaya ang dagok na ito.
Sa kabila ng mga balitang ito ay maniniwala ba kayo na isang customer ang nag-iwan ng halagang $5,600 sa isang restaurant sa Ohio? Ang Souk Mediterranean Kitchen ay matatagpuan sa Toledo at noong December 12 nga ay labis na nagalak ang 28 mga empleyado ng restaurant na ito dahil sa natanggap nilang tip mula sa isang customer nila na ayaw nang magpakilala pa.
Ang bawat isa sa kanila ay makakatanggap ng halagang $200 mula sa naturang tip. Sobra sobrang pasasalamat ang hatid nila sa taong nagmalasakit at nagbahagi sa kanila ng biyayang ito lalo na at nalalapit na ang araw ng Kapaskuhan.
Napakalaking tulong na ng halagang ito para sa kanilang mga pamilya. Hindi man naging maganda ang mga pangyayari ngayon sa buong mundo ay marami pa rin talagang mga bagay ang dapat nating ipagpasalamat sa Diyos.
0 Comments